Maliit na bilang lamang ng mga nagpopositibo sa covid-19 ang nasa kritikal na sitwasyon. Batay sa datos ng DOH, sa 8,064 active cases ng covid 19 ay nasa 25 lamang ang kritikal.
Ito ang mga pasyente na kinakailangang intubated.
Habang nasa 53 pasyente naman ang nasa severe condition. Ang mga ito ay karaniwang may pneumonia at hirap sa paghinga.
Aabot naman sa 7,081 ang nasa mild condition at mild lamang ang sintomas ng virus.
Habang ang 11.2% o ang 905 sa mga kasong ito ay asymptomatic o walang sintomas ng virus. Ayon sa DOH, 117 sa mga ito ay sa bahay nagpapagaling at naka-isolate lamang.