Photo File: Ospital ng Tondo
Pansamantalang isasara ang Ospital ng Tondo mula May 11 hanggang May 24 para magamot ang mga nagkasakit na health workers.
“Pansamantalang isinara ang Ospital ng Tondo para ang mga apektadong nurse at doktor na maaaring nahawa ay mabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga, mag-quarantine at magamot. May mga frontliners din tayo na nagkakasakit,” ani Manila Mayor Isko Moreno.
Gagamitin na rin umano ang pagkakataon na ito para sa testing, treatment at recovery para sa mga frontliners ng naturang ospital na nagsisilbi sa mga residente ng second district ng Tondo.
Samantala, ikakalat naman ang mga walang sakit na healthy workers sa iba pang ospital ng lungsod.