top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Pabor kaya ang pamilya ni Angel Locsin sa ginagawa niyang pagbebenta ng kanyang mga sasakyan upang may maipantulong lang sa charity tulad nitong sa COVID pandemic?

Matapos ang pagpa-fundraising niya para sa #UnitedWeStandPH na nakalikom ng P5 million, heto at ini-launch naman ni Angel ang Shop & Share sa tulong na rin nina Anne Curtis at Bea

Alonzo. Nagso-solicit sila sa mga kapwa artista ng mga pre-loved items na kanilang isusubasta (auction).

Unang nag-donate ng kanyang Star Wars collection si Ogie Alcasid at tinapatan naman ito ni Angel dahil ang isa niyang luxury car ay ibinenta rin niya para makalikom ng pondo para sa ipamimigay na testing kits sa mga government hospitals.

Nauna nang nagbenta noon ng kanyang kotse si Angel nang tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ganu'n din nang bumaha sa Metro Manila dahil sa bagyong Ondoy.

Well, maraming artista ang pinahanga ni Angel Locsin sa ginagawa niyang charity projects. Maging ang BF niyang si Neil Arce ay saludo sa ginagawang pagtulong ni Angel kapag may krisis at kalamidad.

Pero, okey lang kaya sa immediate family ng Kapamilya actress na pati na mga personal niyang gamit na naipundar (tulad ng kotse) ay naibebenta na rin para lang may maibigay sa mga charity projects? Hindi raw ba iniisip ni Angel ang kanyang magiging future life?

 
 

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Hindi sumang-ayon ang PhilHealth sa inilabas na pahayag ni Dr. Rustico Jimenez tungkol sa pagsasara ng 300 private hospital dahil sa delay na pagbabayad ng ahensiya.

Mula noong January 1- May 29, 2020, nakapaglabas ang ahensiya ng Php52.53 bilyon para sa claims payment at Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

Nakapailalim sa payment of claims ang Php38.6 bilyon kasama ang Php4.74 bilyong ibinayad ng Return to Hospital (RTH) at Php13.93 bilyon ang inilabas sa ilalim ng IRM. Mula rito, Php26.8 bilyon o 56.5% ay ibinayad sa private facilities. Napoproseso ang reimbursement sa loob ng 41 araw na may denial rate na 2%. Tumaas ang bilang ng araw ng reimbursement dahil sa COVID-19 pandemic.

Una nang naglabas ng pahayag ang PhilHealth sa layunin ng IRM program sa pagbibigay ng pondo sa long term programs at tumutok sa mga lugar na may mataas na insidente ng COVID-19. Hindi pinangako ng ahensiya na magbibigay ng IRM sa lahat ng ospital.

Hindi kinikilala ng PhilHealth si Dr. Jimenez bilang legitimate representative ng association hospital dahil sa mga ikinakalat nitong akusasyon na walang katotohanan.

Sa katunayan, nakapagbigay ang ahensiya ng IRM na Php6 milyon at Php28 milyon benefit payment sa Medical Center nito sa Parañaque noong 2019.

Niresolba ni PhilHealth President Ricardo Morales at Dr. Jimenez sa meeting sa Malacañang noong isang taon ang isyu tungkol sa late payment. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap direkta sa Philhealth counterpart staff at sa respective level para i-reconcile ang books of account. Naging maganda ang resulta nito ngunit, may mga ilang ospital pa rin ang hindi pumayag at patuloy na nakararanasa ng denial o return of claims na nagsasanhi ng delay.

Inaayos na ng PhilHealth Legal Department ang pag-file ng kaso laban kay Dr. Jimenez habang patuloy na makikipagtulungan ang ahensiya sa regional staff para direktang masolusyunan ang mga isyu.

Dahil sa pandemic na ito, mas pinapatibay ng corporation ang kanilang misyon — ang makapagbigay ng tulong-medikal at abot-kayang health care sa mga Pinoy.

Mabuhay ang Universal Health Care! Mabuhay ang Pilipinas!

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 

Sasailalim na lang sa home quarantine ang mga Filipino na darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na residente ng Metro Manila.

Ayon sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, ang mga Filipino seafarers, landbase at overseas Filipinos na taga-NCR ay agad na papayagang makauwi at sasailalim na lang sa home quarantine matapos silang makuhanan ng swab test.

Kung taga-probinsiya, papayagan ding makauwi kung mayroong susundo sa kanila sa NAIA na isang kaanak.

Samantala, kailangan umanong manatiling naka-isolate sa kani-kanilang mga bahay ang mga uuwing Pinoy at susundin ang health protocols habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page