top of page
Search
  • Alvin Olivar / VA / MC
  • Jun 3, 2020

Tatlong koponan ng Philippine Basketball Association kabilang na rito ang kapatid na team ng San Miguel Beermen ang nag-negatibo sa COVID-19 test matapos dumaan sa testing protocol kamakailan.

Isinailalim ang SMB, Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots team sa coronavirus testing para sa 70% sa workforce na dapat ipasuri bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng pasilidad sa buong bansa.

“We are happy to report that all of our basketball players tested negative from the virus,” ayon kay SMC President and chief operating officer Ramon S. Ang na nagpasyang maglagay ng PCR-testing facility and laboratory sa mismong bakuran ng kumpanya upang makatulong sa government health facilities na nagsasagawa rin ng proseso ng COVID-19 tests.

Dahil ang PBA ang pinakapaboritong sports sa bansa, maging modelo dapat ang naturang liga na makaiwas sa paghawaan ng virus at iyan ang unang kokonsiderahin bago muling ibalik ang contact sports.

“We defer to the government’s wisdom and decision on when team-based leagues like the PBA will return especially if people’s lives are at stake. While we all miss the PBA, we need to first create a safe environment to limit the spread of the virus,” aniya.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Nataranta na naman ang magkakapatid na Marlon, Bong, Rowena, Strike, Princess at Andeng Bautista (Revilla siblings) dahil ang kanilang ama na si Ramon Revilla, Sr. ay nahirapang huminga nu'ng nakaraang May 31 kaya isinugod sa St. Luke's Global sa Taguig.

Mang Ramon is 93 yrs. old na kaya naman alagang-alaga ng kanyang mga anak kapag ito ay nagkakasakit.

Si Sen. Bong ang higit sa lahat ay nag-aalala sa kalagayan ng kanyang ama kaya nanghingi ito ng dasal mula sa mga kaibigan at mga kapamilya.

Sa awa ng Diyos, muling naka-survive si Ramon Revilla, Sr. at stable na raw ang lagay nito ngayon, bagama't patuloy pa ring nanghihingi ng dasal ang pamilya sa mabilis nitong paggaling.

Sey ng mga netizens, gumana na naman ang 'agimat' o anting-anting ng daddy ni Sen. Bong kaya muling nakaligtas sa sakit.

 
 

Dalawang detainee na positibo sa covid-19 at naka-isolate sa Delpan Quarantine Facility sa Maynila ang nakatakas.

Pero ayon kay Manila Police District Chief Police Brig. Gen. Rolando Miranda, ilang oras lamang ang lumipas ay agad ding naaresto ang mga ito.

Kinilala ang mga ito na sina Ceasar Adriatco, 25, nahaharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at Jerick Savallon, 19, may kasong child abuse.

Unang nagpositibo sa covid-19 rapid test ang dalawa kaya isinailalim sa RT PCRT test.

Doon nakumpirma na positibo sa covid-19 ang mga ito at noong Mayo 28 ay isinailalim sa confirmatory test ang dalawa matapos sumailalim sa 14 na araw na quarantine.

Pero kahit wala pa ang resulta, tumakas na ang dalawa mula sa quarantine facility.

Sa ngayon ay nagsasagawa na aniya sila ng imbestigasyon kung paanong nakatakas ang mga ito dahil may mga pulis namang nagbabantay sa bisinidad ng Delpan Quarantine Facility.

Dahil sa pangyayari, pinag-aaralan na nilang baguhin ang procedure para sa mga inmates na isinasailalim sa quarantine.

Kung noon ay hindi ipinoposas ang mga ito upang makakilos nang maayos habang nasa isolation room, ngayon ay itatrato na sila talaga bilang kriminal at hindi bilang covid patient.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page