top of page
Search

Umakyat na sa 21,895 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health, ito ay matapos silang may maitalang 555 na karagdagan pang kaso. Pero sa bilang na ito ay 378 ang fresh cases habang 177 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 67 ang mula sa National Capital Region, 104 sa Region 7, ang 204 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa, 3 naman mula sa hanay ng repatriates.

Sa mga late cases naman, ang 25 ay mula sa NCR, 63 sa Region 7 at 89 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May 89 namang naitala na bagong nakarekober mula sa covid-19. Kaugnay nito, umakyat na sa 4,530 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

Habang may 9 namang naiulat pang nasawi. Lumagpas naman na sa 1,000 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa virus na sa kabuuan ay nasa 1,003 na.

 
 
  • Madel Moratillo
  • Jun 7, 2020

Umakyat na sa 21,340 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health, ito ay matapos silang may maitalang 714 na karagdagan pang kaso.

Pero sa bilang na ito ay 350 ang fresh cases habang 364 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 104 ang mula sa National Capital Region, 171 sa Region 7, ang 75 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

Sa mga late cases naman, ang 140 ay mula sa NCR, 224 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May 111 namang naitala na bagong nakarekober mula sa COVID-19.

Kaugnay nito, umakyat na sa 4,441 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

Habang may 7 namang naiulat pang nasawi dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan ay nasa 994 na ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa nasabing sakit.

 
 

Kaligtasan at kalusugan ng players at team members ang prayoridad ng Davao Occidental Tigers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Handa umanong isuko ni team owner Claudine Diana Bautista ang division at national titles ng nagdaang Chooks MPBL Lakan Season upang matiyak lang na hindi mahahawaan ng COVID-19 ang mga manlalaro.

“The safety and health of our players, the team, their families are our priority,” saad ni Bautista. “The championship trophy is not worth the lives (of people).”

Sumang-ayon si Bautista sa naging pasya ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na pinaboran din ni Sen. Manny Pacquiao, ang MPBL Founder at CEO na huwag nang ituloy ang 2020-2021 season na dapat ay magsisimula sa Hunyo 12.

Nadiskaril ang division finals sa pagitan ng Tigers at Basilan Steel sa South at ang San Juan Knights kontra Makati Super Crunch sa North, bunga ng nationwide lockdown dahil sa pananalasa ng Coronavirus. Parehong patas ang Tigers-Steel at Knights-Super Crunch sa playoffs sa 1-1 at sasalang na sana sa Game 3 deciders game.

“We will conform with what the MPBL decides,” ani Bautista. “Let us not push matters during these uncertain times. If possible, we shouldn’t resume play until a vaccine is found.”

Habang naghihintay ang MPBL sa go-signal ng national government na makabalik ang sporting activities indoors, okey lang naman ayon kay Bautista na makapag-training ang players sa kani-kanilang tahanan sa ilalim ng gabay at monitoring ng kanilang physical fitness trainer via Zoom.

Problema rin aniya ang venues para mapagdausan ng division finals dahil sa hirap ng pagbiyahe at umiiral na social distancing protocols. Handa aniyang maglaro ang Tigers sa isang neutral venue o nag-iisang venue para sa playoffs.

Titiyaking lalaro ang Tigers sa pre-season tournament na pinaplano kapag naialis na ang paghihigpit sa quarantine. “We’re committed to staying in the MPBL."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page