top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 01, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Budget Secretary Wendel Avisado kung kaya’t naka-medical leave ang opisyal, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) noong Sabado nang gabi.


Saad ng DBM, simula sa Lunes, Agosto 2 hanggang sa Biyernes, Agosto 13 ay sasailalim si Avisado sa mga pagsusuri, ayon na rin sa advise ng kanyang doktor.


Ayon sa DBM, kamakailan lamang ay naospital si Avisado sa loob ng walong araw at sumailalim sa quarantine sa loob nang mahigit isang buwan dahil din sa COVID-19.


Samantala, si DBM Undersecretary Tina Rose Marie Canda ang pansamantalang tatayo bilang officer-in-charge habang naka-medical leave si Avisado.


Saad pa ng ahensiya, “Rest assured that the DBM remains steadfast and committed to its mandate of promoting the efficient and effective management of the national budget to support its budget priorities, especially in the midst of the pandemic.”

 
 

ni Lolet Abania | August 31, 2020




Magbibigay ng P100,000 ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga barangay na walang maitatalang bagong COVID-19 cases sa susunod na dalawang buwan o mula September 1 hanggang October 31, ayon kay Mayor Isko Moreno.


Sa Facebook Live, sinabi ni Moreno na maglalaan ang city government ng P89.6 million budget para rito, kung saan inaasahang lahat ng 896 barangay ay magagawa ang naturang hamon.


“Kapag kayo po ay walang nairehistro sa amin na walang impeksiyon, walang new cases in the next two months sa inyong barangay, kayo po ay magkakamit ng P100,000,” sabi ni Moreno.


“Kapag walang naitala sa inyong barangay na new infection, kahit mayroon ngayon ay hindi ‘yon kabilang. So anything na maitala na zero from September 1 to October 31, kayo po ay makakatanggap mula sa pamahalaang lungsod ng additional P100,000 sa inyong mga budget,” dagdag niya.


Ayon pa kay Moreno, hindi lamang ito makatutulong sa lokal na pamahalaan, kundi maging sa national government upang patuloy na malabanan ang pagkalat ng coronavirus.


Bukod sa dagdag na budget, makatatanggap ang mga barangay official ng plaque of appreciation mula sa pamahalaang lungsod para bigyang pagkilala sa kanilang pagsisikap.


Samantala, nakapagtala ng 8,110 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 6,911 nakarekober ang Manila.

 
 

ni Thea Janica Teh | August 30, 2020




Sa inilabas na address ni Vice-President Leni Robredo tungkol sa responde sa COVID-19, sinabi nitong ito lamang ay isang suggestion dahil sa kakulangan ng gobyerno sa problemang ito.

Aniya, kaya ito nagbigay ng suggestion dahil ang unang maaapektuhan sa paglubog ng pamahalaan ay ang mga mamamayang mahihirap at ito ang kinatatakutan ng lahat. Sama-sama aniyang lulubog ang bansa kung hindi marerespondehan agad ang problemang ito.

Dinepensahan naman ni VP Leni na hindi ito laban sa pamahalaan kundi ito ay para makatulong sa krisis pangkalusugan na nararanasan ng buong bansa.

Ito rin umano ay humingi ng rekomendasyon at konsultasyon sa mga health expert, economist, data analyst at educator bago ito magsalita at magbigay ng suhestiyon.

Naglabas ng public address si VP-Leni upang sabihin ang kaniyang proposal at report patungkol sa COVID-19. Kinuwestiyon niya rin rito ang ilang gawain ng pamahalaan sa pagsosolusyon ng krisis pangkalusugan at ito umano ay hindi sapat. Nagsalita rin umano ito dahil nakita niyang mali pa rin ang ginagawa ng pamahalaan simula pa noong Marso.

Binanggit niya rin dito na isa na ang Pilipinas sa pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia countries.

Dagdag ni Robredo, limang buwan na, hindi aniya puwedeng nakikita natin ang kakulangan ng wala tayong sasabihin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page