ni Lolet Abania | March 30, 2021
NAGPOSITIBO sa test sa COVID-19 ang broadcast journalist na si Ted Failon.
Sa isang statement ngayong Martes, inamin ni Failon na nalaman niya noong Linggo nang gabi na isa sa kanyang mga co-workers ay nagpositibo sa test sa coronavirus, at dahil nagkaroon siya ng close contact dito ay nagpa-test na rin siya.
“As soon as I heard the news, I immediately put myself in self-isolation and decided to have myself tested the morning of March 29th,” ani Failon.
Nalaman naman ni Failon na infected na siya ng virus nitong Lunes nang gabi lang.
“I am asymptomatic and I will follow the advice to self-isolate and be placed on home quarantine. All my close contacts have been informed of my situation for their appropriate action,” saad pa ni Failon.
Ayon sa broadcaster, ang nangyari sa kanya ay paalala sa lahat na kahit pa mahigpit na sumusunod sa health protocols, may posibilidad pa rin na tamaan ng nasabing virus.
“This is why now more than ever, we need to be extra cautious and take all necessary precautions to ensure our safety and the safety of our families,” ayon pa kay Failon.