ni Jasmin Joy Evangelista | October 31, 2021
Mahigit 1M indigenous people na ang nabakunahan kontra-COVID-19.
Ayon sa National Commission on Indigenous People (NCIP), may mga katutubo na naapektuhan ng COVID-19 at humihingi ng tulong.
Apektado rin ang kabuhayan ng mga ito lalo na ang mga nagtatrabaho nang malayo sa kanilang pamilya matapos magsara ang kanilang mga pinapasukan.
Kaugnay nito ay pinaiiral ng NCIP ang Whole-of-Government Approach para maihatid sa mga komunidad ang tulong ng gobyerno.
“Mas pinaigting na ng ating komisyon ang pagbibigay-serbisyo dahil mas kailangan ng katutubong pamayanan ang tulong natin,” ani Dr. Angelica Cachola, medical officer ng NCIP.