ni Jasmin Joy Evangelista | October 15, 2021
Dumating na sa bansa lulan ng Flight LDL-456 lulan ang 862,290 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Nauna nang dumating sa Cebu ang 76,050 doses nito kahapon, Oktubre 14 sa ganap na 6:00 p.m.
Ang nasabing deliveries ay bahagi ng pagbili ng gobyerno sa tulong ng Asian Development Bank.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na mayroon pang darating na mga karagdagang bakuna ng katulad na brand sa mga susunod na araw.
Gagamitin ang nasabing mga bakuna sa mga bata na magsisimulang bakunahan ngayong Oktubre 15.
Sa kabuuan, mahigit 88 million doses na ng bakuna ang dumating sa bansa simula nitong Pebrero.