top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 3, 2021



Umakyat na sa 1,062,225 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,255 karagdagang kaso ngayong araw.


Ayon sa DOH, 15 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras.


Samantala, 69,466 pa ang aktibong kaso sa bansa kung saan 94.7% ang mild, 1.8% ang asymptomatic, 1.1 ang kritikal at 1.4% ang mayroong severe condition.


Umakyat naman sa 975,234 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na matapos makapagtala ng 9,214 karagdagang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19.


Nakapagtala rin ang DOH ng 94 karagdagang bilang ng mga pumanaw at sa kabuuan ay umabot na sa 17,525 ang death toll sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 6, 2021




Umabot sa 382 ang naitalang bagong bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw ngayong Martes.


Ngunit ayon sa Department of Health (DOH), nagkaroon diumano ng “technical issue” at sa naturang bilang, 341 ang idinagdag mula sa mga hindi naisama sa mga nakaraang talaan ngayong buwan ng Abril.


Paliwanag ng DOH, “A technical issue with the case collection systems resulted in lower reporting of COVID-19 death counts over the past week.


“One of the information systems that collects hospital data experienced a technical failure which caused incomplete fatality numbers and data to be encoded.


“As a result of this error, there were 341 deaths prior to April 2021 that went unreported. The number of deaths reported today (382) already includes the said deaths not reported in previous counts.”


Samantala, sa kabuuang bilang ay pumalo na sa 13,817 ang mga pumanaw dahil sa COVID-19. Nakapagtala rin ang DOH ng 9,373 karagdagang kaso ng COVID-19 at sa kabuuan ay umabot na sa 812,760 ang naitalang kaso.


Umakyat naman sa 646,381 ang mga gumaling na matapos makapagtala ang DOH ng 313 bagong bilang. Sa ngayon ay 152,562 ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021




TULAD ng kinatatakutan, umabot na at nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw na umabot sa 10,016 at sa kabuuan ay pumalo na sa 731,894 ang naitalang kaso.


Ayon sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 115,495 ang bilang ng mga aktibong COVID-19 cases sa bansa kung saan 95.9% ang mild, 2.4% ang asymptomatic, 0.7% ang kritikal at 0.7% ang may severe condition.


Umakyat naman sa 603,213 ang bilang ng mga gumaling na matapos maitala ng DOH ang karagdagang 78 pasyente ngayong araw.


Samantala, 16 ang naitalang pumanaw dahil sa COVID-19 at sa kabuuan ay 13,186 na ang death toll sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page