top of page
Search
  • BULGAR
  • Jun 13, 2023

ni Madel Moratillo | June 13, 2023




Nakapagtala ng 6,630 kaso ng COVID-19 ang Department of Health sa bansa nitong nakaraang linggo.


Sa datos ng DOH, mula Hunyo 5 hanggang 11, ang arawang average na kaso ng impeksyon ay 947. Mas mababa ito ng 27% kung ikukumpara sa naitala mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4.


May 112 namang bagong nadagdag sa listahan ng severe at kritikal habang may 5 ang nadagdag sa nasawi. Pero ayon sa DOH walang naitalang nasawi mula Mayo 29 hanggang Hunyo 11. Sa 5 deaths na ito, 4 ang namatay noong Mayo at 1 noong Marso.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 24, 2023




Isinailalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Alert Level 2 ang Benguet at 25 pang lugar hanggang Abril 30, 2023 bilang bahagi ng COVID-19 response.


Kabilang sa mga nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Benguet, Ifugao, Quezon Province, Palawan, Camarines Norte, Masbate, Antique, Negros Occidental, Bohol, Cebu Province, Negros Oriental, Leyte, Western Samar, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat,

Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi


Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang 50% capacity indoors ng ilang establisimyento para sa fully vaccinated adults at minors kahit hindi vaccinated, at 70% capacity naman kung outdoors.


 
 

ni Zel Fernandez | April 27, 2022



Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) ngayong hapon ng Miyerkules ang pagkaka-detect sa unang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 subvariant na BA.2.12 Omicron sa Baguio City.


Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DOH na ang 52-anyos na babaeng pasyente na dumating sa Baguio City mula sa Finland ay fully vaccinated asymptomatic at hindi sumailalim sa routine isolation sa quarantine facility.


“The case then traveled to a university in Quezon City and then to Baguio City to conduct seminars. Nine days after her arrival in the country, she experienced mild symptoms such as headache and sore throat,” anang DOH.


Nang sumunod na araw ay nagpositibo umano sa COVID-19 ang dayuhan, at 9 na asymptomatic close contacts ang natukoy kabilang ang dalawang indibidwal na nagnegatibo naman sa virus.


Na-discharged naman ang pasyente matapos makumpleto ang kanyang pitong araw na isolation kasunod ng deklarasyong naka-recover na ito mula sa sakit at bumalik na sa Finland noong Abril 21.


Kasunod nito ay muling ipinaalala ng DOH na bagaman ang BA.2.12 ay hindi pa umano maikokonsidera bilang ‘variant of interest and concern’ o dapat ipangamba, mahalaga anilang patuloy na sundin ng publiko ang mga health and safety protocols na ipinaiiral ngayong may pandemya upang maiwasan ang paglaganap ng nakahahawang sakit.


Samantala, tiniyak nito na ang surveillance system ng kagawaran ay epektibo sa pag-detect ng mga bagong kaso at maging sa pagtukoy sa pinagmulan o kung saan kabilang ang virus.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page