top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Quezon 3rd District Representative Aleta Suarez, ayon sa Facebook post ng Quezon Public Information Office ngayong Sabado.


Saad ni Aleta, “Nais ko pong ipabatid sa inyo na ang inyong lingkod ay sumailalim sa RT-PCR Test noong Mayo 6, 2021, alinsunod sa protocol ng Department of Health (DOH), bilang isang close contact ng aking kabiyak at gobernador ng Quezon, Gov. Danilo Suarez na naunang nagpositibo sa COVID-19.


“Lumabas po ang resulta kahapon, Mayo 7, 2021 at ako po ay nagpositibo rin sa COVID-19.”


Ayon kay Aleta, siya ay asymptomatic at naka-isolate sa kanilang tahanan.


Nanawagan din siya sa mga nakasalamuha niya at pinayuhang mag-self-quarantine.


Aniya, “Sa akin pong mga nakasalamuha at mga naging close contact nitong mga nakaraang araw, kayo po ay pinapayuhang mag-self-quarantine at mag-monitor ng inyong kalusugan.


“Kung kayo po ay nakararanas ng anumang sintomas ng COVID-19, agad itong ipagbigay-alam sa inyong mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) upang kayo ay mabigyan ng kaukulang medikal na atensiyon at sumailalim sa test kung kinakailangan.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021




Magbabalik na ang domestic at international flight sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), matapos makansela ang ilang biyahe noong mga nakaraang linggo dahil sa surge ng COVID-19.


Ayon sa Cebu Pacific, "Will continue to operate its domestic and international flights as scheduled. However passengers who wish to postpone their flights and those traveling for non-essential reasons may select their preferred option through the Manage Booking portal on the Cebu Pacific website."


Binalaan naman ng Philippine Airlines ang mga biyaherong mamemeke ng COVID-19 RT-PCR o antigen tests results, kung saan P50,000 ang multa o mahigit 6 na buwang pagkakakulong ang karampatang parusa.


Ito ay matapos mahuli ang 15 indibidwal na nameke ng test results para lamang makabiyahe sa Cotabato, Dipolog at Zamboanga.


Ayon sa PAL, "We wish to alert the public to secure authentic COVID-19 test results only from legitimate medical providers. Safe travel is always the paramount concern, and airlines and authorities are vigilant in not accepting travelers holding fake RT-PCR or Antigen test results, for everybody's protection."


Kasong paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang haharapin ng mahuhuling lalabag.


Sa ngayon ay mga essential travelers lamang ang pinapayagang makabiyahe dahil sa banta ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page