top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 18, 2021



May panawagan ang Department of Health (DOH) sa Commission on Elections (Comelec) tungkol sa usapin ng pagboto ng mga COVID-19 patients.


Anila, kailangang mag-isip ng alternatibong paraan ng pagboto para sa mga may COVID-19 na nasa isolation o medical facilities.


Ngunit ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, tutol sila sa pagpapalabas ng mga COVID-19 positives para makaboto.

"Ang DOH hindi inirerekomenda na ang COVID positive patients ay lalabas sa kanilang isolation, dahil baka makahawa ng iba... Sana Comelec will have an alternative way for voting for COVID positive cases; baka puwedeng virtual or through SMS (text)," ani Vergeire.


Nilonaw naman ng Comelec na hindi naman talaga nila hinihikayat palabasin ang mga may COVID-19 para bumoto.


"The idea of requiring such persons to leave their isolation facilities was never really on the table," ani Comelec spokesperson James Jimenez.


Sa ngayon, wala pang batas na nagpapahintulot sa ibang mga paraan ng pagboto.


Ang nasa "new normal" guidelines pa lang ng Comelec ngayon ay ang pagtatalaga ng isolation polling places sa araw ng halalan para doon boboto ang mga makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

 
 

ni Lolet Abania | May 7, 2021




Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang aplikasyon ng lokal na kumpanya na i-register ang Ivermectin bilang isang anti-nematode na maaari nang gamitin sa tao pangontra-bulate.


Unang nakilala ang Ivermectin bilang gamot sa hayop.


“Lloyd Laboratories applied for a CPR (certificate of product registration) for locally manufactured ivermectin as an anti-nematode drug,” ani FDA Chief Eric Domingo.


“It was granted after they submitted data to support [the] quality and stability of the product,” sabi pa ni Domingo.


Ang CPR ay isang market authorization kung saan ang isang gamot ay pinapayagang komersiyal na ibenta.


Matatandaang binanggit ni Domingo na dalawang kumpanya ang nag-apply ng CPR para sa Ivermectin.


Naging kontrobersiyal ang naturang anti-parasitic drug matapos na ilang grupo at maging mga mambabatas ay nagsasabing maaari itong gamitin para mapigilan o makagamot sa COVID-19.


Gayunman, binigyang-linaw ng FDA at Department of Health na ang kasalukuyang ebidensiya ay hindi pa rin sumusuporta para sa paggamit ng Ivermectin bilang isang COVID-19 treatment.


Ang World Health Organization, US FDA, European Medicines Agency at ang Ivermectin manufacturer na Merck ay hindi rin inirerekomenda ang paggamit ng naturang gamot sa mga COVID-19 patients.


Isang clinical trial para sa Ivermectin ang isasagawa ngayong taon upang pag-aralan ang epekto nito sa COVID-19 patients.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 23, 2021




Patay ang 13 na pasyenteng may COVID-19 nang masunog ang Vijay Vallabh Hospital sa Mumbai, India ngayong araw, Abril 23.


Ayon sa Fire Department official na si Morrison Khavari, "There were 17 patients inside when a fire broke out in the ICU of Vijay Vallabh Hospital, out of which 13 died and four have been shifted to other facilities."


Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), tinatayang 180,530 ang mga iniulat na pumanaw sa India dulot ng naturang virus at umabot naman sa 15,321,089 ang mga nagpositibo.


Sa ngayon ay laganap na rin sa iba’t ibang bansa ang Indian variant ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page