top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 3, 2021



Umakyat na sa 1,062,225 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,255 karagdagang kaso ngayong araw.


Ayon sa DOH, 15 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras.


Samantala, 69,466 pa ang aktibong kaso sa bansa kung saan 94.7% ang mild, 1.8% ang asymptomatic, 1.1 ang kritikal at 1.4% ang mayroong severe condition.


Umakyat naman sa 975,234 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na matapos makapagtala ng 9,214 karagdagang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19.


Nakapagtala rin ang DOH ng 94 karagdagang bilang ng mga pumanaw at sa kabuuan ay umabot na sa 17,525 ang death toll sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 30, 2021



Posibleng matulad ang Pilipinas sa India na patuloy ang paglobo ng kaso ng COVID-19 araw-araw kung hindi susunod ang mga Pilipino sa mga ipinatutupad na health protocols at kung hindi mapaiigting ang pandemic response ng pamahalaan, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.


Saad ni Duque sa panayam ng ANC ‘Headstart’, “Kapag hindi tayo sumunod doon sa ating minimum public health standards [and] if we do not intensify our COVID-19 pandemic response, like what has happened in India and also in some other countries where the second or third waves are being experienced, that is a big possibility.”


Maaari rin umanong makakuha ng leksiyon o matuto ang mga Pilipino sa sitwasyon ng India at iba pang bansa.


Aniya pa, “This is a lesson we all have to learn from what’s happening in other countries, we cannot dig our heads into the sand and make it appear that we’re doing okay all the time. There’s always ways of doing things better. It’s very dynamic, every day you have to read, every day you have to watch out for what’s happening, what are the best practices, what are the practices that are worth avoiding or making sure we avoid such measures that don’t work.”


Ayon din kay Duque, kailangan ng pagkakaisa ng publiko at pamahalaan upang malabanan ang COVID-19 pandemic.


Saad pa ni Duque, “At the end of the day, we just have to work together and the whole world is in a crisis. Everybody is really reeling from this pandemic. But we must stand in solidarity with each other in this fight against the pandemic. The war against COVID is really on the shoulders of every person so it cannot just be the work of the national government, local government, private sector, etcetera.”


Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang bansa ng 8,748 karagdagang kaso ng COVID-19 at ang kabuuang bilang sa buong bansa ay umabot na sa 1,037,460 cases.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021



Lumagpas na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,929 bagong kaso ngayong Lunes, April 26.


Sa 1,006,428 total cases ng COVID-19, 74,623 ang aktibong kaso kung saan 95.4% ang mayroong mild symptoms, 1.4% ang asymptomatic, 0.87% ang may moderate symptoms, 1.3% ang nasa severe condition at 1% ang kritikal, ayon sa DOH.


Nakapagtala rin ang ahensiya ng 70 bagong bilang ng mga pumanaw at umabot na sa 16,853 ang COVID-19 death toll sa bansa.


Umakyat naman sa 914,952 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na matapos maitala ang karagdagang 11,333 ngayong araw.


Samantala, pabor ang DOH na palawigin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite upang mapababa pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa at mapigilan ang pagkalat nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page