ni BRT | June 12, 2023
Nakapagtala ang Pilipinas ng 878 na bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 4,154,190 ang nationwide caseload, ayon sa Department of Health
Pagkalipas ng dalawang araw, ang bilang ng mga bagong kaso ay mas mababa sa 1,000.
Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga aktibong kaso ay 11,644, habang ang recovery tally ay 4,076,065.
Nananatili sa 66,481 ang bilang ng nasawi sa bansa.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso na may 4,439, sinundan ng Calabarzon na may 3,132, Central Luzon na may 2,108, Western Visayas na may 1,369, at Cagayan Valley na may 1,006.