top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021



Limampu’t dalawa ang patay at 67 naman ang sugatan matapos masunog ang isang COVID-19 hospital sa Nassiriya, Iraq noong Lunes, ayon sa health official.


Ayon sa inisyal na ulat, sumabog na oxygen tanks sa loob ng COVID-19 ward ng Imam Al-Hussein Hospital ang dahilan ng sunog.


Saad ni Local Health Authority Spokesperson Haydar al-Zamili, “The victims died of burns and the search is continuing.”


Aniya, maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi at posibleng mayroon pang mga na-trap sa loob ng ward.


Kaagad namang nagpatawag ng pagpupulong si Iraqi Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi kasama ang mga ministers at security leaders upang magsagawa ng “high-level investigation” sa sanhi ng sunog sa ospital. Ipinasibak din niya sa puwesto ang direktor ng naturang ospital.


Saad naman ni Iraq Parliament Speaker Mohamed Al-Halbousi, “The catastrophe of Al-Hussein Hospital is clear proof of the failure to protect the lives of Iraqis, and it is time to put an end to this.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page