top of page
Search

ni Lolet Abania | June 15, 2022



Nasa 16 na bagong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants BA.5 at BA.2.12.1 ang na-detect sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa pinakabagong sequencing na isinagawa ay lumabas na may 6 na bagong kaso ng BA.5 habang 10 bagong kaso naman ng BA.2.12.1.


Sa nai-record na BA.5 cases, dalawa ay mula sa National Capital Region (NCR), habang tig-1 mula sa Cagayan Valley, Western Visayas, Northern Mindanao, at isa na ang address nito ay bineberipika pa.


Para sa naitalang BA.2.12.1 cases, apat ay mula sa NCR, dalawa mula sa Calabarzon, at tig-1 mula sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, at ang isa ay returning overseas Filipino (ROF).



 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2022



Nakapagtala ang bansa ng 10 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants BA.5 at BA.2.12.1, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa latest sequencing na ginawa mula sa 190 samples lumabas na may 114 bagong kaso ng Omicron, kung saan tatlo rito ay BA.5 cases at pito ang BA.2.12.1 cases.


Sa tatlong BA.5 cases, dalawa ay mula sa Calabarzon habang ang isa ay bineberipika pa. Ayon kay Vergeire, bineberipika naman ang lokasyon ng indibidwal pero fully vaccinated na ito laban sa COVID-19, habang ang isang kaso mula sa Calabarzon ay unvaccinated.


“Sa kasalukuyan unknown pa ang exposure ng mga individuals dahil we are still undergoing verification regarding their travel history,” saad ni Vergeire sa isang media briefing ngayong Martes. Inaalam na rin ng mga awtoridad ang kanilang mga sintomas at naging close contacts.


Gayunman, sinabi ni Vergeire na ang mga kaso ay itinuturing ngayong nakarekober na. Aniya, dalawa sa mga samples ay nakolekta noong Mayo 23 habang isa ay nakolekta naman noong Mayo 12. Dahil dito, ang kabuuang bilang ng kaso ng BA.5 sa bansa ay lima matapos na ma-detect ang dalawang naunang BA.5 cases sa Central Luzon.


Samantala, sa pitong kaso ng BA.2.12.1 subvariant, tatlo ay mula sa National Capital Region (NCR), isa sa Ilocos Region, isa mula sa Cagayan Valley, isa sa Calabarzon, at isa mula sa Bicol Region.


Sinabi ni Vergeire na tatlo rito ay fully vaccinated, tatlo ang hindi pa nabakunahan, at isa ay bineberipika pa. Ayon pa ng opisyal, na sa naitalang Omicron cases, 103 ay local cases, tatlo ay returning overseas Filipino (ROF), habang walo ay bineberipika pa.


 
 

ni Lolet Abania | June 4, 2022



Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng local transmission ng Omicron BA.5 subvariant ay napakataas matapos na kanilang ma-detect ito sa dalawang indibidwal mula sa Region III.


“Once we detect this subvariant dito sa ating komunidad, malaki na po ang ating ginagawang index of suspicion na meron tayong lokal na transmission dahil nakita natin kung paano at ano ang linkage,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing ngayong Sabado.


Ayon kay Vergeire, tini-trace na ng health authorities kung may ibang mga indibidwal na nakuha na rin ang nasabing subvariant.


“Kapag nagkakaroon na kasi tayo ng tao na nade-detect natin na ganitong variant dito po sa ating community, the possibility that the transmission is local, is very high,” saad ni Vergeire, na giit niya ang dalawang indibidwal ay walang travel history sa labas ng bansa.


Aniya, ang mga pasyente ay na-develop ang mga sintomas noong Mayo 15 habang agad na sumailalim sa home isolation mula Mayo 16 hanggang Mayo 30. Pareho sila ngayong asymptomatic at nakarekober na. Sinabi naman ng DOH na isa sa dalawang kaso ng BA.5 ay babae na nasa late 30s, habang lalaki ang isa na nasa early 50s.


Natukoy na rin ng ahensiya ang dalawang close contacts, kung saan isa rito ay nagpositibo sa test sa COVID-19, at pareho naman ang mga ito na nananatili sa isolation.


Gayunman, nilinaw ni Vergeire na hindi pa ito klinaklasipika bilang community transmission ng BA.5 sa bansa.


“Currently, we cannot say that there is really a community transmission. Because if we say community transmission, we could no longer see the linkage of one case to another,” paliwanag ni Vergeire.


“So far we could still determine the linkage. What we have right now is the local transmission of the subvariant. But the community transmission, we still need to establish that through evidence,” dagdag ng opisyal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page