ni Mary Gutierrez Almirañez | April 21, 2021
Tina-target ng pamahalaan na mabakunahan ang 120,000 indibidwal kada araw sa NCR Plus kapag nagkaroon na ng tuluy-tuloy na suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ngayong araw, Abril 21.
Aniya, "Our supply chain experts have also provided some sort of simulations wherein the NCR Plus will have a 120,000 jabs a day with the requirement that the NCR should have a steady supply of 3.3 million (doses) monthly."
Dagdag pa niya, "With that, we will designate mega vaccination sites like the malls and the different arenas and gymnasiums."
Sa ngayon ay 1,562,563 na ang mga nabakunahan kontra COVID-19 na pinangunahan ng mga healthcare workers, pulis, senior citizen, may comorbidities, mga mayor at governor na nasa high risk areas.
Matatandaang inilabas na rin ang listahan ng A4 Priority Group na inaasahang mababakunahan sa kalagitnaan ng Mayo o Hunyo. Patuloy din ang online pre-registration para sa mga nais magpabakuna.