ni Madel Moratillo | June 22, 2023
Sinimulan na ng Department of Health ang pagbibigay ng bivalent COVID-19 vaccine para sa mga priority groups kahapon.
Dumalo nang personal si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kickoff ceremony sa Philippine Heart Center sa Quezon City.
Unang tumanggap ng bakuna si Health Sec. Ted Herbosa, para ipakita sa publiko na ligtas ang 3rd booster kontra-COVID.
Aniya, isa ito sa paraan para makaiwas sa sakit at maging handa sa anumang pandemya.
Ang mga healthcare workers at senior citizens ang prayoridad na mabigyan ng bakuna.
Nasa 390,000 bivalent vaccines ang unang dumating sa bansa na donasyon ng Lithuania.
Ayon kay Herbosa, may 2 milyong doses ang under negotiation pa sa Covax facility.
Sakaling maaprubahan, karagdagan itong doses na matatanggap ng Pilipinas.