ni Jasmin Joy Evangelista | December 18, 2021
Nakatakdang magsagawa ng clinical test ang Pfizer ng kanilang third dose COVID-19 vaccines sa mga batang below 5 years old.
Ito ay para makita kung ang low dosage na kanilang bakuna ay magiging epektibo sa mga maliliit na bata at kung magbibigay ito ng katulad na proteksiyon sa mga mas matandang kabataan.
Bilang parte ng clinical trials, 3 micrograms per injection lamang ang ituturok sa mga batang edad 6 months hanggang less than 5 years. Ito ay sampung beses na mas mababa sa 30 microgram doses na ibinibigay sa matatanda, at mas mababa naman ng 10 micrograms sa mga itinuturok sa mga batang edad 5-11.
Sa mga batang nasa edad dalawang taon hanggang limang taon ay mayroong 10 micrograms na bakuna na nagdulot ng lagnat sa mga ito kaya minabuti nila na bawasan ito.
Ngunit sa dalawang injections ng 3 micrograms, ang immune response ng mga ito ay mas mahina kumpara sa mga adolescents at young adults na nabigyan ng bakuna.
Dahil dito ay nagdesisyon ang Pfizer na magsagawa ng third dose para sa mga nabakunahan at least two months matapos ang ikalawang dose.
Ang unang dalawang shots ay mananatili nang 3 linggo ang pagitan.
"This adjustment is not anticipated to meaningfully change our expectations that we would file for emergency use authorization and conditional approvals in the second quarter of 2022," ani Kathrin Jansen, Pfizer's head of vaccine research.
Inanunsiyo rin ng Pfizer na sinimulan na nito ang trials sa 600 teenagers edad 12 to 17 upang i-test ang booster dose ng 10 o 30 micrograms.