ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 24, 2020
Inamin ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na nasaktan siya matapos masisi ng publiko sa pagkakaantala ng maaga sanang pagdating sa bansa ng 10 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.
Pahayag ni Duque, “Masakit lang sa akin kasi nga, eh, sana hindi ganoon. Sana napag-usapan, nagbigay ng sulat, formal, may documentation lahat, because to me that’s how professional governance works.”
Ibinulgar ni Senator Panfilo Lacson kamakailan na sa January 2021, nakatakdang dumating sa Pilipinas ang 10 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer kung naging mabilis lamang sana ang pagpirma sa Confidential Disclosure Agreement.
Pinabulaanan naman ni Duque ang akusasyon sa diumano’y mabagal niyang pag-aksiyon upang malagdaan ang CDA.
Aniya, “I have already said this over and over again. There was no dropping the ball. Ang ginawa natin dito is due diligence. We cannot be reckless. We cannot be signing documents without legal clearance.
“The problem is if people talk and yet they do not have the competence to comprehend the complexities of the vaccine selection, scientific evaluation, procurement, distribution, production, storage, logistical requirements, the actual immunization program. These are all the imperatives of our vaccine roadmap and we must understand the process.”
Mensahe rin ni Duque sa publiko, “Ako as a professional, trabaho na lang tayo, we move forward, we explain to the people. We leave it at that. “We have too much on our plate. We cannot spend our time bickering and trying to say something to counter somebody’s statement. So we just move on kasi ang bigat-bigat ng ating hamon.”