ni Jasmin Joy Evangelista | April 3, 2022
Nakatakdang ie-extend ng gobyerno ang special vaccination days ngayong Abril upang mapabilis ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga lugar sa bansa na mayroong mababang vaccination rate, ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje ngayong Linggo.
Sa interview ng Super Radyo dzBB, ipinaliwanag ni Health Undersecretary Cabotaje na ang special vaccination days ay ‘variant’ ng national vaccination days na "Bayanihan, Bakunahan.”
Makatutulong umano ito upang malaman kung anong mga lugar sa bansa ang nangangailangan ng “special help” sa pagsasagawa ng vaccination drive.
“Ang gagawin in April, titignan na talaga kung sino mga areas ang kailangan ng espesyal na tulong para ‘yung mga kalapit rehiyon o kalapit na probinsiya ay makatulong sa mga siyudad na medyo mahina ang kanilang bakunahan,” aniya.
Nauna nang isinagawa ng Department of Health (DOH) ang naturang special vaccination days sa Cebu province, Davao region, at Cotabato City mula March 29 hanggang 31, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula March 30 hanggang April 1.
Ayon pa kay Cabotaje, nananatiling hamon para sa kanila ang pagbabakunasa BARMM dahil ito ang nasa pinakahuling listahan dahil nasa 26% o 940,000 pa lamang ang nabakunahan mula sa target population na 3.5 milyon.
Base sa national COVID-19 vaccination dashboard ng DOH, at least 65.8 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban saCOVID-19 as of March 30. Sa bilang na ito, 64.3 million ang nakatanggap ng unang dose, habang 12 million naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.