top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 5, 2023




Nasa bansa na ang halos 400 libong doses ng Pfizer bivalent COVID-19 vaccines na donasyon mula sa Lithuanian government.


Ayon sa Department of Health, ang bivalent ay Omicron specific pero nagbibigay proteksyon din sa orihinal na COVID-19 strain.


Bukod sa dumating na bivalent vaccines galing Lithuania, inaasahang makatatanggap pa ang Pilipinas ng dagdag na doses galing naman sa COVAX facility.


Sa ilalim ng guidelines ng DOH, ang mga healthcare workers at senior citizens ang prayoridad na mabigyan ng mga ito.


Sa datos ng DOH, hanggang nitong Marso 20, sa A1 ay nasa 674,471 palang ang may 2nd booster habang 970,020 naman sa A2.


 
 

ni Lolet Abania | April 6, 2022



Umabot sa kabuuang 3,760,983 doses ng COVID-19 vaccine sa bansa ang nai-record sa ngayon na nasayang lamang at hindi napakinabangan, ayon sa Malacañang.


Sa ginanap na Palace briefing, iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar ang datos mula sa Department of Health (DOH) aniya, ito ay nasa 1.54 porsiyento lamang ng kabuuang COVID-19 vaccine doses ng bansa.


“Nasa 1.54% ng COVID-19 vaccines na binili ng national government ang masasabing wastage. Malayo ito sa 10% wastage rate ng World Health Organization (WHO),” sabi ni Andanar.


Ilan sa mga dahilan ng pagkasayang ng mga bakuna ay under-dosed vials, nag-exceed ang shelf life nito, presensiya ng mga particles, at pagkasira dahil sa mga disasters tulad ng sunog at mga bagyo.


Una na ring nagbabala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III, kaugnay sa 27 milyon doses ng COVID-19 vaccine na mag-e-expire na sa loob ng tatlong buwan kung hindi ito magagamit.


Hinikayat naman ni Andanar ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19, at patuloy na sumunod sa mga health protocols sa gitna ng banta ng bagong coronavirus variant na Omicron XE.


“Patuloy ang ginagawang pag-aaral sa XE bilang isang variant. Ang mahalaga ay sumunod sa minimum health standards, mag-mask, hugas, iwas, at magpabakuna,” saad pa ni Andanar.

 
 

ni Lolet Abania | April 3, 2022



Nasa 27 milyon doses ng COVID-19 vaccines na nakuha ng pamahalaan ang malapit nang mag-expire sa loob ng tatlong buwan na masasayang lamang kapag hindi ito nagamit, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III, ngayong weekend.


Sinabi ni Concepcion na nakatanggap ang bansa ng 237 milyong COVID-19 vaccine doses, subalit nasa 140.7 milyon pa lamang ang kanilang na-administered, kung saan 27 milyon dito ay mag-e-expire na sa Hulyo.


“Let’s not allow 27 million doses of COVID-19 vaccine to go to waste,” sabi ni Concepcion sa isang emailed statement.


“Time is of the essence. This is why I am calling it out now while there is still time before these vaccines expire,” giit ng opisyal.


Sa latest data mula sa Department of Health (DOH), sa ngayon ay nakapag-administered na ng 142.236 milyon doses hanggang nitong Marso 30 -- 64.332 milyon para sa first doses, 65.885 milyon para sa kumpletong doses, at 12.018 milyon para sa booster doses.


Ayon naman sa Department of Finance (DOF) noong Enero, nakapag-secured ang bansa ng $800 million o P40 bilyong halaga ng loan financing mula sa multilateral lenders na ilalaan para sa booster shots.


“If we don’t use these vaccines, we will have wasted the Filipino taxpayers’ money. It’s money the Philippines can’t afford to waste,” paliwanag ni Concepcion.


Binigyang-diin naman ni Concepcion ang mababang bilang ng mga nagpapa-booster shots sa bansa, kaya iminungkahi niya na ang mga “fully vaccinated” ay i-redefined lamang bilang mga indibidwal na nakatanggap na ng kanilang booster dose.


Noong nakaraang linggo, ipinanukala din ng opisyal na gawing requirement ang booster cards sa mga papasok sa mga enclosed establishments na mga indibidwal simula sa Hunyo.


“By the second half of the year, the majority of the population will have waning immunity. If cases rise, we will lock down again. And if the conflict in Ukraine drags on, we will lock down in the midst of rising commodity prices and logjams in the supply chain,” babala ni Concepcion.


“Unless we finish all the vaccines in stock and booster everybody that needs it, we risk going back to square one by year end,” dagdag pa niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page