ni Jasmin Joy Evangelista | February 16, 2022
Sampung rehiyon na sa bansa ang nakapagbakuna kontra COVID-19 ng higit 70 porsiyento ng target eligible population sa kani-kanilang lugar, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.
Ang mga lugar na ito ay:
• National Capital Region
• Cordillera Administrative Region
• Ilocos Region
• Cagayan Valley
• Central Luzon, Calabarzon
• Western Visayas
• Northern Mindanao
• Davao Region
• Zamboanga Peninsula.
Sa mahigit 61 milyong fully vaccinated sa Pilipinas, 53 milyon ang galing sa adult population habang 8 milyon naman ang mga batang edad 12 hanggang 17.