top of page
Search

ni Lolet Abania | January 8, 2022



Muling ni-require ng lokal na gobyerno ng Marikina City sa mga indibidwal ang pagsusuot ng face shields sa mga vaccination centers.


“Bunsod ng pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 at pagdeklara sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3, ang lahat ng pupunta sa MARIKINA VACCINATION CENTERS ay REQUIRED na MAGSUOT NG FACE SHIELD at FACE MASK,” batay sa Marikina Public Information Office sa isang Facebook post.


“Sama-sama po nating ingatan ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa. Maraming salamat po,” dagdag ng LGU.


Matatandaan na ipinahayag ng national government na ang paggamit ng mga face shields ay boluntaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2, at 3. Gayunman, ang mga establisimyento o employers ay maaaring i-require ang paggamit ng face shields sa kanilang nasasakupan.


Sa isang report, binanggit ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na, “Hiniling na rin ito ng mga vaccinators natin na kung pwede as an added precaution i-require na magsuot ng face shield ang mga nagpapabakuna lalo na ngayon itinaas namin ang output capacity sa mga vaccination sites sa Marikina from previously 3,000 or 4,000 na nagpapabakuna araw-araw ngayon halos nadoble na ito 8,000 na.”


Bukod sa mga vaccination sites, nire-require na rin sa mga indibidwal ang pagsusuot face shields sa mga crowded places gaya ng wet markets, ayon pa sa report.


“Ang ginagawa natin positive reinforcement dahil mahirap na ang buhay iniiwasan talaga namin ‘yung pagmulta more on ang ginagawa namin, we simply notify or issue ticket or ine-encourage namin minsan mga barangay namin or mga volunteer groups kung may pinamimigay silang face mask or face shield,” paliwanag ni Teodoro.


 
 

ni Lolet Abania | August 6, 2021



Napagdesisyunan ng mga Metro Manila mayors na ipatupad ang ‘no walk-in policy’ sa mga COVID-19 vaccination sites habang ang rehiyon ay sumasailalim sa 2-linggong lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang Delta variant.


Sa Laging Handa briefing ngayong Biyernes, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang bagong polisiya ay napagkasunduan ng mga alkalde at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“The LGUs (local government units) will strictly enforce the no walk-in policy during the lockdown to prevent people from swarming vaccination sites, which could cause a superspreader event,” ani Malaya.


Binanggit din ni Malaya na ang mga may kumpirmadong appointments na ang tatanggapin sa mga vaccination centers.


Ang Metro Manila ay nasa ilalim ngayon ng enhanced community quarantine (ECQ), ang pinakamahigpit na quarantine upang labanan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa bansa, na nagsimula ngayong Agosto 6 at tatagal nang hanggang Agosto 20.


Gayundin, inaasahan sa nasabing rehiyon ang pag-administer ng 250,000 COVID-19 shots kada araw kahit pa ECQ.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 20, 2021



Magdaragdag ng 17 higher educational institutions (HEI) na gagamiting COVID-19 vaccination sites, ayon sa Commission on Higher Education (CHED) ngayong Huwebes.

Sa kabuuan ay mayroon nang 34 eskuwelahan na ginamit bilang vaccination sites sa bansa.


Pahayag ni CHED Chairperson Prospero de Vera III, "With this initiative from our HEIs, the country will be assured that when A4 and B1 (vaccination priority lists) come in and the bulk of the vaccines arrive, we would have expanded the vaccination centers."


Kabilang sa mga idinagdag na paaralan ay ang Ateneo de Zamboanga University, Ateneo de Zamboanga University, Butuan Doctors' College, Capiz State University, Cebu Institute of Technology-University, Davao Oriental State College Science and Technology, Dr. Yanga’s College, Father Saturnino Urios University, General Santos Doctors Medical Foundation Inc., Gov. Alfonso D. Tan College, Iloilo Science and Technology University, John B. Lacson Foundation Maritime University, Northern Bukidnon State College, Notre Dame of Dadiangas University, University of Immaculate Conception- Bajada Campus, University of San Agustin, University of Southeastern Philippines, at University of the Philippines Los Baños.


Samantala, noong May 18, tinatayang umabot na sa 3.3 million doses ng COVID-19 ang naipamahagi na sa bansa.


Nasa 786,528 naman ang fully vaccinated na at mahigit 2.5 million na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna laban sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page