top of page
Search

ni Lolet Abania | January 31, 2022



Sisimulan na rin sa mga piling botika at 3 klinika sa mga lungsod sa Visayas ang pagbibigay ng mga COVID-19 vaccine, ayon sa Malacañang ngayong Lunes.


Una nang inumpisahan ng gobyerno nitong kalagitnaan ng Enero, sa mga katulad na establisimyento sa Metro Manila, ang pagbabakuna ng COVID-19 booster jabs, kung saan ang programa ay pinalawig na rin hanggang sa Baguio City noong nakaraang linggo.


“Inaasahan natin na ang programang ito ay ilulunsad na rin sa piling botika at clinic ngayong linggo sa Bacolod City, Cebu City at Iloilo City,” sabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.


Aniya pa, nasa tinatayang 58.7 milyong Pinoy na ang fully vaccinated sa bansa, mula sa 109 milyong populasyon nito. Tinatayang 7.3 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng booster shots.


 
 

ni Lolet Abania | January 31, 2022



Inanunsiyo ng Malacañang na ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 ay isasagawa sa anim na vaccination sites sa Biyernes, Pebrero 4.


Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, ang pagbabakuna sa naturang age group ay sabay-sabay na gagawin sa sumusunod na vax sites:

• The Philippine Heart Center

• Philippine Children’s Medical Center

• National Children’s Hospital

• Manila Zoo

• SM North Edsa (Skydome)

• Fil Oil Gym in San Juan City


“Mahalaga po ito sa ating paghahanda sa muling pagbabalik ng face-to-face classes, pisikal na balik eskwela,” ani Nograles sa Palace briefing ngayong Lunes. Sinabi ng opisyal na ang Pfizer vaccines para sa nasabing grupo ng menor-de-edad ay inaasahang darating ngayong linggo.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na may kabuuang 168,355 kabataan edad 5 hanggang 11 ang nagparehistro na para sa pagbabakuna kontra-COVID-19 sa kanilang mga local government units (LGUs).


Binanggit din ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na tinatayang 780,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa mga minors ang darating sa Enero 31.


Samantala, ayon kay Nograles nasa tinatayang 7.5 milyon o 59% ng mga adolescents, edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang nitong Enero 28.


“Tinitiyak natin na ligtas at epektibo ang mga bakunang gagamitin sa mga bata. Walang dapat ipangamba ang mga magulang. The doses for minors have been reformulated so that these are appropriate for them,” giit ni Nograles.


“Ibig sabihin, mas mababa po ang doses na ituturok sa kanila. Kaya’t kung available na ito sa inyong mga lugar, dalhin niyo na po ang inyong mga anak sa vaccination sites,” sabi pa ni Nograles.


 
 

ni Lolet Abania | June 23, 2021



Nasa 6,000 indibidwal kada araw ang kayang tanggapin sa vaccination site sa Solaire Hotel sa Parañaque City para maturukan ng Moderna doses ng COVID-19 vaccine, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Ito ang naging pahayag ni Roque kasabay ng pagbisita ng mga Israeli experts sa Solaire COVID-19 vaccination site.


“We expect that the capacity of this vaccination center will reach up to 6,000 a day,” ani Roque ngayong Miyerkules.


“The employees of private firms who bought Moderna [sa ilalim ng tripartite deal ng national government at Moderna] will have to go here to get their vaccine,” sabi ng kalihim.


Ayon kay Roque, ang inisyatibong ito ng naturang private sector ay malaking tulong sa gobyerno kaugnay sa vaccination program na layong makapagbakuna ng 500,000 katao kada araw upang makamit ng bansa ang target na herd immunity bago magtapos ang taon. “We already reached 350,000 [individuals vaccinated in] a day.


You can just imagine if the private sector starts using their facilities and vaccinating people using their own personnel, this will be a game changer,” saad ni Roque. “This is very significant as we aim to vaccinate 500,000 per day,” dagdag niya. Ang nasabing private sector ay nakapag-procure ng 7 milyong doses ng Moderna vaccine.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page