top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 15, 2021



Aalisin na ng Department of Health (DOH) ang vital signs screening sa mga magpapabakuna kontra COVID-19 sa mga vaccination sites, ayon sa ahensiya noong Biyernes.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaprubahan ng mga eksperto ng DOH ang rekomendasyon ng Philippine Society of Hypertension and the Philippine Heart Association na ang mga may hypertension lamang ang kailangang i-monitor sa vaccination process.


Saad ni Vergeire, "We issued a policy regarding this matter that vital signs screening should not be included anymore as part of our process.


"Ang kailangan lang bantayan ng ating healthcare workers ay ‘yung talagang may established na hypertension at talagang nakikita natin na meron silang organ damage."


Aniya pa, “Naglagay din tayo riyan sa guidelines natin that there should be a separate lane para rito sa mga taong gusto nating obserbahan because of their established history ng kanilang mga sakit para hindi sila nakakadagdag du’n sa pila.”


Ayon kay Vergeire, humahaba ang pila sa mga vaccination centers dahil sa vital signs screening.


Aniya pa, “Marami sa ating kababayan, very eager silang magpabakuna na kahit hindi sila ‘yung scheduled for that day, they go to the vaccination sites.”


Samantala, umabot na sa mahigit 2 million ang nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19 noong May 11, ayon sa DOH.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Magpapatupad ang pamahalaan ng Saudi Arabia ng mandatoryong pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lahat ng mga manggagawa, pampubliko at pribado, ayon sa human resource ministry noong Biyernes.


Hindi sinabi ng ahensiya kung kailan ito magiging epektibo ngunit saad ng Ministry of Human Resources and Social Development sa Twitter, "Receiving a coronavirus vaccine will be a mandatory condition for male and female workers to attend workplaces in all sectors (public, private, non-profit).


"The ministry will soon clarify the mechanisms of the decision and its implementation date.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page