top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021




Babakunahan na kontra COVID-19 sa ika-28 ng Mayo ang mga atleta, coach at iba pang sasabak sa Tokyo Olympics at 31st Hanoi SEA Games, ayon sa pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) Chief Abraham ‘Bambol’ Tolentino ngayong araw, May 25.


Aniya, “The good news today is that IATF has also approved the vaccination this Friday which will be exclusive for Olympic-bound and SEA Games-bound delegates.”


Dagdag niya, “This will happen on Friday afternoon at the Manila Prince Hotel and everyone is included, from coaches, athletes, officials, media, (and) journalists, everyone bound for Tokyo and SEA Games who are here in Manila.”


Samantala, nakikipag-ugnayan naman sa Quezon City ang grupo ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) upang mabakunahan sa pamahalaang lungsod ang mahigit 67,000 Business Process Outsourcing (BPO) employees nito.


Sabi pa ni IT & Business Process Association of the Philippines (IBPAP) President at CEO Rey E. Untal, "This is the first partnership of its kind and we hope that this will serve as a template for our ongoing efforts with other LGUs. Early access to the vaccine is really top-of-mind for our sector and as such, we are dearly and immensely thankful to the leadership of the Quezon City Government."


Sa ngayon ay patuloy ang vaccination rollout kontra COVID-19 sa ‘Pinas, kung saan kabilang ang economic frontliners sa A4 priority list.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021




Inirekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian na simulan na sa Hunyo ang pagbabakuna sa publiko upang mapabilis ang rollout.


Aniya, “We’re now in our third month of our vaccination program and from my observation, it’s about time to move the general public up in the priority program as early as June."


"So meaning, allowing the general public, anyone who is willing to take their vaccine to be vaccinated as early as June,” sabi pa niya.


Sa ngayon ay 4,097,425 indibidwal pa lamang ang nabakunahan kontra COVID-19, bilang na malayo sa target na 50 million hanggang 70 million upang tuluyang maabot ng bansa ang herd immunity.


 
 

ni Lolet Abania | May 20, 2021




Maaari nang magparehistro para sa pagbabakuna kontra-COVID-19 ang lahat ng mga manggagawa sa larangan ng edukasyon, kahit na hindi sila nasa vaccination priority list gaya ng mga senior citizens o may comorbidities sa pamamagitan ng kanilang local government units (LGUs), ayon sa Department of Education (DepEd).


“'Yung teachers and education personnel, even if without comorbidities or not seniors, can already register sa LGUs, kasi kasunod na sila as A4 priority [group],” ani DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla sa isang interview.


“Pero depende pa rin sa volume of vaccines sa LGUs,” dagdag ni Sevilla.


Hinimok naman ng mga opisyal ang mga education workers na magpabakuna na laban sa COVID-19, kung saan paniwala nilang ito ang daan para mas maging ligtas sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan.


Ilang mga grupo na rin ang nanawagan para sa muling pagbubukas ng mga paaralan dahil ang mga guro, magulang at estudyante ay patuloy na nahihirapan sa ipinatutupad na distance learning.


Nitong linggo lamang, maraming mga empleyado ng tatlong higher education institutions sa Metro Manila ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccines na tinawag na “symbolic vaccinations” bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng 1st National Higher Education Day.


Ayon naman kay Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., sisimulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga A4 group matapos ang Mayo o kapag tuluy-tuloy na ang supply ng mga vaccines.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page