ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 28, 2021
Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyong pagpayag sa mga nakakumpleto na ng bakuna na ‘wag nang magsuot ng face mask, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Pahayag pa ni Vergeire, “Ang ginagawa natin, tayo po ay nag-aaral na nitong sinasabing rekomendasyon na ito para makita natin if we can also apply this in specific bubbles.”
Ngunit paglilinaw ni Vergeire, hindi pa maikokonsidera ng DOH na payagan ang publiko na ‘wag magsuot ng face mask.
Aniya, “Kung sa Estados Unidos po ay nagkaroon sila ng polisiya na puwede nang hindi mag-mask kapag nasa labas, tayo po rito, hindi pa rin po natin ‘yan maikonsidera kasi ‘yung rate ng vaccination natin, hindi naman pareho roon sa Estados Unidos.
“Mahirap po tayong magkumpara sa ibang bansa sa estado natin ngayon… Meron pa rin po tayong mga pailang-ilang lugar dito sa ating bansa na tumataas po ang kaso.”