top of page
Search

ni Lolet Abania | June 7, 2021



Pinag-iisipan ng gobyerno na magbigay ng mas maraming insentibo sa mga indibidwal na nabakunahan na laban sa COVID-19, ayon sa isang opisyal.


Sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kinokonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magkaroon ng mga incentives para mahikayat ang mas maraming indibidwal na magpabakuna.


“'Yung doon sa mga nabakunahan, probably they might have certain incentives also that the IATF will be discussing,” ani Lopez sa briefing kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. ngayong Lunes.


Ilan sa posibleng ibigay nilang incentives ay payagan ang mga nabakunahan na lumabas na ng kanilang tirahan at mabigyan naman ng mas maikling quarantine period para sa mga travelers.


Matatandaang nito lamang buwan, ipinatupad na ng pamahalaan ang mas maikling quarantine period para sa fully vaccinated na inbound travelers sa bansa, na 7 araw na lamang mula sa dating 14 na araw.


“Similar moves will be undertaken, will be studied, para naman may benepisyo du’n sa mga nagpabakuna and which is we have been assuring also the public,” saad ni Lopez.


“Ang talagang benepisyo ru’n sa mga nagpabakuna ay siguradong hindi kayo mamamatay (sa COVID-19), ‘yun ang pinaka-safe at pinakamagaling na benepisyo sa inyo,” dagdag ng kalihim.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021



Sinimulan na ngayong Lunes ang COVID-19 vaccination sa mga economic frontliners o A4 priority group.


Nagsagawa ang pamahalaan ng symbolic vaccination sa 50 katao mula sa tourism, transportation, mass media, food service, business process outsourcing (BPO) industry, atbp. sa Pasay City.


Kabilang ang TV hosts na sina Iya Villania at Drew Arellano sa mga nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 na itinurok ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.


Samantala, uunahin ang pagbabakuna sa mga A4 group na nasa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu, at Davao.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 30, 2021



Nakatakdang bakunahan kontra-COVID-19 sa Hulyo ang mahigit 1,000 Pinoy na ilegal na nananatili sa Hong Kong.


Ayon sa pamahalaan ng Hong Kong, kabilang ang mga Pilipino sa libu-libong illegal immigrants at refugees na babakunahan dahil kaunti lamang ang bilang ng mga residenteng nais magpabakuna.


Isinama rin ang mga illegal immigrants sa mga babakunahan dahil nakatakda nang ma-expire ang ilang Sinovac at Pfizer COVID-19 vaccines sa naturang bansa sa Agosto.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page