top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 22, 2021



Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 sa kanyang public address noong Lunes at aniya, ipaaaresto niya ang mga ito.


Saad ng pangulo, "Itong mga g*go na ayaw magpabakuna, and they are really carriers and they, you know, traveling from one place to another, carrying the virus, and then contaminating other people.


"Itong ayaw magpabakuna, kayong ayaw magpabakuna, ang ipapabakuna ko sa inyo, 'yung bakuna sa baboy, 'yung Ivermectin, 'yun ang ibakuna ko sa kanila. Ang titigas ng ulo, eh.


"Don't get me wrong. There is a crisis being faced in this country. There is a national emergency. Kung ayaw mong magpabakuna, ipaaresto kita. At ang bakuna, itusok ko sa puwet mo. Put*ng n. Buwisit kayo.”


Aniya pa, kung sinuman ang ayaw magpabakuna ay dapat umalis sa Pilipinas.


Saad pa ng pangulo, “Don’t force my hand into it. Kung hindi kayo magpabakuna, umalis kayo sa Pilipinas. Go to India if you want or to America. But as long as you are here and you are a human being who can carry the virus, eh, magpabakuna ka. Otherwise, I will order all the barangay captains to have a tally of the people who refuse to be vaccinated. Kasi ‘pag hindi, ‘yung Ivermectin na para sa baboy ang patira ko sa ‘yo. Ayun, patay talaga, pati ikaw.”


Aniya pa, "Mamili kayo, magpabakuna kayo o ipakulong ko kayo sa selda."


 
 

ni Lolet Abania | June 15, 2021



Mahigit sa 7 milyong doses ng COVID-19 vaccines na ang na-administer sa mga mamamayan hanggang nitong Hunyo 14, ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr..


“As of yesterday, June 14, we have already breached 7 million jabs administered,” ani Galvez sa isang Senate hearing ngayong Martes.


Sa kanyang presentasyon, binanggit ni Galvez na may kabuuang 7,045,380 doses ang naibigay sa mga kababayan natin simula Marso 1 hanggang Hunyo 14.


Kabilang dito ang 980,471 medical frontliners, 486,945 senior citizens, 429,301 person with comorbidities, at 7,067 essential workers na fully vaccinated na may kabuuang 1,903,784 doses ng COVID-19 vaccines ang naibakuna.


Samantala, may 5,141,596 indibidwal naman ang na-administer ng first doses ng COVID-19 vaccine kabilang ang 1.452 milyong medical workers, 1.753 milyong senior citizens, 1.754 milyon sa persons with comorbidities, at 182,130 sa essential workers.


Sa kasalukuyan, mayroong 3,944 vaccination sites ang nailatag na ng pamahalaan.


Sa 12,705,870 COVID-19 vaccines, nasa 10,374,850 ang nai-deploy ng gobyerno sa mga vaccination sites.


Sa parehong presentation, sinabi ni Galvez na nakamit na ng gobyerno ang isang milyong jabs kada isang linggo na nangyari nitong magkasunod na linggo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 12, 2021



Sinimulan na ang pagbabakuna sa mga economic frontliners laban sa COVID-19 sa Valenzuela City ngayong Sabado.


Pahayag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, “Right now we're opening 'yung industry vaccination site namin kung saan ang mga may appointment doon, mga industriya na rito sa Valenzuela. Nag-appointment doon, hindi lang indibidwal kundi korporasyon, para sa manggagawa nila.”


Ayon kay Gatchalian sa isang teleradyo interview, tinatayang umabot na umano sa 25,000 economic frontliners ang nakapagpa-register na para mabakunahan laban sa COVID-19.


Aniya, may inilaang vaccination sites para sa mga industry workers upang hindi maapektuhan ang ongoing na vaccination program para sa priority sectors na kinabibilangan ng mga health workers, senior citizens at mga may comorbidities.


Saad pa ni Gatchalian, “Dito sa Valenzuela, ang mga factories namin, may mga 3,000 empleyado. Gusto naming nakahiwalay sila pero sabay-sabay na binabakunahan today.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page