ni Mary Gutierrez Almirañez | March 2, 2021
Anim ang positibo sa kauna-unahang South African variant ng COVID-19 sa bansa, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Health ngayong umaga, Marso 2.
Batay sa ulat, dalawa sa nagpositibo ay mga balikbayan at ang 3 ay residente sa Pasay City. Samantala, inaalam pa ang pinanggalingang lokasyon ng isa.
Nakarekober na mula sa bagong variant ang 40-anyos na lalaking taga-Pasay habang nagpapagaling pa ang dalawa.
Nakolekta ang mga samples nila noong Enero 27 hanggang Pebrero 13.
Kaugnay nito, umabot na sa 87 ang kabuuang bilang ng UK variant COVID-19 sa bansa kung saan 30 ang nadagdag.