ni Lolet Abania | August 12, 2021
Magaling na si Senador Richard Gordon mula sa sakit na COVID-19.
“Yes. Nag-ingat lang tayo, wala akong naramdaman. I was completely asymptomatic but because my wife, may autoimmune problem s’ya, siyempre, iniingatan ko ang asawa ko, ang mga katulong namin sa bahay, mga kasama sa Red Cross, mga staff ko sa Senado, ayaw kong mahawa sila sa akin,” sabi ni Gordon sa Laging Handa briefing nang tanungin kung talagang nakarekober na ito sa respiratory disease.
Matatandaan noong Hulyo 28, inianunsiyo ng senador na tinamaan siya ng sakit na COVID-19.
Gayundin, isang araw matapos nito ay na-admit siya sa Makati Medical Center sanhi ng COVID-related pneumonia.
Sinabi pa ng senador na fully vaccinated na siya kontra-COVID-19 gamit ang AstraZeneca vaccine.
Si Gordon ang ika-anim na senador na nagka-COVID, kung saan ang iba pang senador na nagpositibo sa virus ay sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Aquilino Pimentel III, Ronald dela Rosa, at Ramon “Bong” Revilla, Jr..