top of page
Search

ni Lolet Abania | February 21, 2021




Umabot na sa 561,169 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).


Ito ay matapos na makapagtala ng 1,888 kaso ng coronavirus ngayong Linggo. May 20 naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya umakyat na ang bilang na naitala sa 12,088.


Nakapagtala naman ang ahensiya ng 9,737 nakarekober kaya umabot sa 522,843 ang mga gumaling sa nasabing sakit.


Gayundin, mayroong naitalang 18 dagdag na bagong kaso ng B.1.1.7 variant. Dahil dito, umakyat na sa 62 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.

 
 

ni Lolet Abania | February 16, 2021





Mula sa 44 kaso ng UK variant ng COVID-19 umabot na sa 40 ang nakarekober sa B.1.1.7 coronavirus, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Gayunman, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman na may tatlo pang active cases ng UK variant habang isa lamang ang nananatiling namatay, ang 84-anyos na lolo mula sa La Trinidad, Benguet.


Ang tatlong aktibong kaso ay isang overseas Filipino na galing sa United Arab Emirates, isang 20-anyos na babae na mula sa Sabangan, Mountain Province at isang 37-anyos na lalaki na mula Impasug-ong, Bukidnon. Lahat sila ay isinailalim na sa isolation.


Sa 44 na kaso, 28 pasyente ay mga locals habang ang 15 pasyente ay mga nagbalik na overseas Filipinos. Ang address naman ng isang kaso ay patuloy na bineberipika ng DOH.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 15, 2021






Konektado sa empleyado ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang pang-19 na bagong kaso ng UK coronavirus variant.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpositibo ang 46-anyos na ina ng empleyado ng MRT 3 noong Enero 5 at kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine sa Pasay City.


Noong nakaraang buwan ay isinailalim ng Department of Transportation ang MRT-3 sa “enhanced access control” matapos magpositibo sa COVID-19 ang 42 na empleyado.


Kaugnay sa nangyaring report ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Health.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page