ni Madel Moratillo | June 20, 2023
Nakapagtala na rin ng unang kaso ng FE.1 subvariant ng Omicron sa bansa.
Ayon sa Department of Health, ang FE.1 ay sublineage ng XBB variant ng Omicron.
Kabilang din ito sa mga mino-monitor ng European Center for Disease Prevention and Control.
Ang FE.1 ay kalat na sa 35 bansa sa 6 na kontinente sa mundo.
Gayunman, ayon sa DOH, batay sa mga ebidensya, hindi pa naman ito nakitaan ng posibilidad na makapagdulot ng malalang sakit kumpara sa orihinal na variant ng Omicron.