ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 16, 2021
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 10 bagong kaso ng Indian COVID-19 variant, ayon sa ahensiya noong Sabado.
Sa kabuuang bilang ay 12 na ang kumpirmadong kaso ng B.1.617 variant sa bansa kung saan 9 ay mula sa mga crew members ng MV Athens Bridge.
Ayon sa DOH, 4 sa mga ito ang nasa ospital ngunit stable naman ang lagay habang 5 sa mga crew members ang nasa isolation facility. Kabilang sa mga bagong kaso ay ang isang tripulante mula sa Belgium.
Umalis umano ang naturang seafarer sa Belgium at lumipad pa-Manila mula sa United Arab Emirates.
Dumating siya sa bansa noong Abril 24 at natapos ang kanyang isolation period noong Mayo 13.