top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 19, 2021



Naitala ang kaso ng COVID-19 Delta variant sa Taguig City, ayon kay Safe City Task Force Head Clarence Santos.


Ngunit, kaagad namang nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi ito local case.


Saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “Wala po tayong na-detect na local case sa Taguig. What the City of Taguig was mentioning was a returning overseas Filipino (ROF) na na-detect-an ng variant at ang kanyang permanent residence is in Taguig.”


Samantala, sa kabuuan ay mayroon nang 35 kaso ng Delta variant sa bansa, kabilang ang 16 bagong kaso na inianunsiyo ng DOH kamakailan.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2021



Iminungkahi ng OCTA Research Group na muling ipatupad ang NCR Plus bubble sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya dahil sa COVID-19 Delta variant.


Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas ng local cases ng COVID-19 variant na unang naitala sa India. Saad ni OCTA Research Fellow Guido David, "'Yung idea naman ng bubble, I think nag-work naman siya a few months ago nu’ng nagka-surge tayo.


Kabaligtaran lang ang mangyayari ngayon. Ang bubble natin is designed to protect NCR Plus from the outside para 'di makapasok dito basta-basta ang mga variant na ‘yan.


"'Pag may bubble tayo at protected tayo rito sa loob ng NCR Plus, ‘di tayo maa-affect from outside at patuloy ang ekonomiya natin." Ayon kay David, sa ilalim din ng bubble, pagbabawalang muli ang mga kabataan na lumabas ng bahay. Aniya, "Sa UK, very concerned ang scientists d’yan.


Kung hahayaang mahawahan ang mga bata, maybe 10 percent magkaka-long COVID.” Nabahala rin ang OCTA Research sa mga lugar na nakapagtala ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 o surge katulad ng Mariveles sa Bataan at Laoag City sa Ilocos Norte.


Saad pa ni David, "We have to be proactive. Hindi natin puwedeng hintayin na may makita tayong nagse-surge na bago tayo mag-react at mag-respond dito sa threat ng Delta variant."


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 16, 2021



Naitala ng Department of Health (DOH) ang 16 bagong kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.


Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergerie, lima sa mga bagong kaso ay ang mga returning overseas Filipino workers mula sa United Kingdom at Qatar, habang ang 11 iba pa ay local transmissions.


Sa datos ng DOH, 6 sa mga Delta variant carriers ay mula sa Northern Mindanao, 2 sa National Capital Region, 2 sa Western Visayas, at isa sa Central Luzon.


Samantala, sa labing anim, isa ang nasawi habang ang 15 pa ay nakarekober, ayon sa DOH.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page