top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17 karagdagang kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa at sa kabuuan ay 64 na ang reported cases.


Saad ng DOH, “Of the additional 17 Delta variant cases, 12 are local, one returning overseas Filipino (ROF), while four cases are currently being verified if these are local or ROF cases.


“Of the 12 local cases, nine had an indicated address in the National Capital Region and three were in CALABARZON.”


Tatlo sa 17 bagong kaso ng Delta variant ay nananatiling aktibo habang ang 14 cases naman ay gumaling na, ayon sa DOH.


Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 11 karagdagang kaso ng Alpha variant, at 13 kaso ng Beta variant.


Sa kabuuang bilang, naitala sa bansa ang 1,679 kaso ng Alpha variant, at 1,840 kaso ng Beta variant.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2021



Sinuspinde ang implementasyon ng resolusyong pagpayag sa mga batang edad 5 pataas na lumabas ng bahay dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.


Saad ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang teleradyo interview, "Ang latest natin diyan ay hindi na muna natin papayagan sa ngayon para lang makasiguro tayo."


Noong July 9, matatandaang pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na lumabas ng bahay ang mga batang edad 5 pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ) ngunit saad ni Duque, "Dahil nagkaroon na tayo ng Delta variant, nagkaisa ang IATF na iatras muna itong resolution na ito.”


Samantala, noong Huwebes, kinumpirma ng DOH na mayroon nang naitalang local transmission ng Delta variant sa bansa. Sa ngayon ay mayroon nang 47 kaso ng Delta variant sa bansa kung saan 36 ang gumaling na, 3 ang nasawi at 8 ang aktibong kaso.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2021



Isinama na sa ipinatutupad na travel ban ang Malaysia at Thailand dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant, ayon kay Presidential Spokesperon Harry Roque.


Saad ni Roque, “Inaprubahan po ng ating presidente na ang lahat po ng mga biyahero na galing sa Malaysia or Thailand or mayroong history of travel sa Malaysia o Thailand sa nakalipas na 14 days ay hindi po puwedeng papasukin ng Pilipinas. Ito po ay magsisimula nang 12:01 AM of July 25 hanggang 11:59 PM ng July 31.”


Ang mga biyaherong naka-transit na o papunta na sa bansa bago pa ang 12:01 AM ng July 25 ay maaari pang makapasok sa Pilipinas “Subject to full 14-days facility quarantine notwithstanding po kung negatibo ang kanilang Reverse Transcription - Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result," ayon kay Roque.


Samantala, una nang nagpatupad ang Pilipinas ng travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, at Indonesia dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 Delta variant.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page