ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 20, 2021
Umabot na sa mahigit kalahating milyon ang mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Brazil noong Sabado at nagbabala ang mga eksperto na maaari pang lumala ang second-deadliest outbreak kung hindi papaigtingin ng pamahalaan ang social distancing at ang pagbabakuna sa mga mamamayan.
Dahil 11% pa lamang ng mga Brazilians ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, ayon sa epidemiologists, maaari pang madagdagan ang bilang ng mga nasasawi dahil sa Coronavirus.
Ayon sa datos ng Health Ministry noong Sabado, nakapagtala na ang Brazil ng 500,800 death toll at sa kabuuang bilang ay pumalo na rin sa 17,883,750 ang naitalang kaso ng COVID-19.
Noong mga nakaraang linggo, 2,000 katao ang nasasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 kada araw. Naitala naman ng Pan American Health Organization (PAHO) ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa anim na Mexican states tulad ng Belize, Guatemala, Panama at iba pang lugar sa Caribbean.
Nagbabala rin ang PAHO na maaaring lumala pa ang sitwasyon sa Colombia dahil napupuno na ang mga intensive care unit beds. Saad naman ni Gonzalo Vecina, former head of Brazilian health regulator Anvisa, "I think we are going to reach 700,000 or 800,000 deaths before we get to see the effects of vaccination.
"We are experiencing the arrival of these new variants and the Indian variant will send us for a loop." Libu-libong residente ng Brazil ang nagpoprotesta laban kay President Jair Bolsonaro dahil sa pagma-manage nito sa pandemya at sinisisi siya ng publiko sa mataas na death toll.
Samantala, ayon naman sa researcher ng Brazilian biomedical center na Fiocruz na si Raphael Guimaraes, mas mararamdaman ang malalang epekto ng delayed na vaccination program hanggang sa Setyembre.
Aniya pa, "We are still in an extremely critical situation, with very high transmission rates and hospital bed occupancy that is still critical in many places.”