top of page
Search

ni Lolet Abania | June 25, 2022



Limang lugar sa National Capital Region (NCR) ang idineklara ng Department of Health (DOH) na nasa moderate risk matapos ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases.


Sa interview sa Laging Handa briefing ngayong Sabado, inanunsiyo ni DOH spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga sumusunod na lugar na isinailalim ngayon sa moderate risk classification:


• Pasig

• San Juan

• Quezon City

• Marikina

• Pateros


Ayon sa DOH, ang isang lugar na naka-classified bilang moderate risk kung ito ay may positive two-week growth rate sa bilang ng mga COVID-19 cases at average daily attack rate (ADAR) sa pagitan ng 1 hanggang 7.


Ang ADAR ay insidente na nagpapakita ng average number ng mga bagong kaso sa isang period kada 100,000 katao.


“Kapag tiningnan natin, ang kanilang mga growth rate ay lumalagpas ng 200% kasi nanggagaling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso kaya tumaas ang growth rate,” paliwanag ni Vergeire.


Gayunman, sinabi ni Vergeire na isa lamang sa limang nabanggit na lugar ang mayroong bahagyang pagtaas sa kanilang hospital utilization na may mild at asymptomatic admissions.


“Even though these five areas are under moderate risk classification, only one of them had a slight increase in hospital admissions and the rest are less than 50%,” pahayag ni Vergeire na pinaghalong Filipino at Ingles.


Subalit aniya, sa kabila na ang NCR ay mayroong tinatawag na “slightly high” positivity rate ng mahigit sa 5%, hindi pa nakikita ng DOH na kailangan na ng rehiyon na i-escalate ito sa mas mataas na alert level dahil mas tinitinggan ng gobyerno ang mga naire-record na hospital admissions. “Escalation to Alert Level 2, hindi pa ho natin nakikita,” ani Vergeire.


“Even though the positivity rate is increasing, as long as we can maintain our hospitals not getting overwhelmed, as long as there are less severe and critical [cases], our system is okay,” dagdag niya.


Ayon pa sa opisyal, hindi rin kailangan na maalarma sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. “Hindi po kailangan mabahala, pero kailangan vigilant tayong lahat,” sabi ni Vergeire.


Nitong Miyerkules, sinabi ng DOH na ang Pilipinas ay nasa low risk pa rin ng COVID-19 kahit pa nakapag- record ng kapansin-pansing pagtaas ng coronavirus cases.


Paliwanag ni Vergeire, ang low risk ay ang ADAR na nananatiling mas mababa sa 1 kada 100,000 populasyon.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 9, 2021




Umakyat na sa 840,554 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ang karagdagang bagong cases na 12,225 ngayong Biyernes, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).


Sampung laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras, ayon din sa ahensiya.


Umabot na rin sa 178,351 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na tinatayang pinakamataas na bilang ngayong taon. Sa naturang bilang, 97.5% ang mild, 1.4% ang asymptomatic, 0.5% ang severe, at 0.4% ang nasa kritikal na kondisyon.


Nakapagtala rin ang DOH ng pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa COVID-19 ngayong araw na umabot sa 401, kaya umakyat na sa 14,520 ang death toll sa bansa.


Nadagdagan naman ng 946 ang mga pasyenteng nakarekober na sa COVID-19 at sa kabuuang bilang ay umabot na ang mga gumaling sa 647,683.


 
 

ni Lolet Abania | March 18, 2021




Iminungkahi ng isang eksperto mula sa OCTA Research sa pamahalaan na iprayoridad nito ang pagbabakuna sa mga residente sa National Capital Region (NCR). Sa interview kay Dr. Guido David sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery kahapon, ipinunto niyang ang NCR ay itinuturing na sentro ng pandemya kaya apektado ang sitwasyon ng mga mamamayan sa buong bansa.




“Lalo na't limited ‘yung vaccine rollout natin, ang recommendation sana natin, ma-priority natin ‘yung NCR kasi nandito naman talaga ‘yung center,” ani David. Dagdag pa niya, ang coronavirus ay hindi na kakalat pa kung sa tinatayang 7 o 8 milyong residente sa Metro Manila at mga kalapit-rehiyon nito gaya ng Calabarzon at Central Luzon ay mababakunahan.


Dahil din dito, marami ang magkakaroon ng immunity lalo na sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.


Sinabi pa ni David na mahabang panahon ang gugugulin ng gobyerno para mabakunahan ang 70% kabuuang populasyon ng bansa, kung saan tinatayang nasa 70 milyong Pinoy ang dapat ay magkaroon ng immunity.


Matatandaang noong nakaraang buwan, ipinahayag ni David na kada araw, ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR ay aabot sa 5,000 sa March 31, base sa kanilang projected reproduction number na isinagawa na nangyayari na rin sa ngayon.


“Actual cases are now beating projections. Reproduction number in NCR estimated to be around 1.8. This surge is increasing faster than we thought,” ani David. “If Rt = 1.8, then we will have more than 4,000 cases by March 31 (may even reach 5,000 per day) in NCR,” dagdag pa niya.


Ayon pa kay David, nakatanggap din sila ng reports na karamihan sa mga kaso ngayon ng COVID-19 ay naipapasa sa mga pamilya at kasama sa bahay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page