top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 25, 2021




Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Roxas, Isabela ngayong Huwebes dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19. Nakapagtala ang munisipalidad ng 162 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 83 pa ang hinihinalang positive cases.


Pahayag naman ng Sangguniang Bayan, “[T]he declaration of a state of calamity will afford this local government unit (LGU) the necessary resources to undertake critical appropriate disaster responses and measures in a timely manner, or utilize appropriate funds.”


Ayon sa Sangguniang Bayan, kritikal na ang risk classification sa Roxas dahil sa naiulat na 441.70% pagtaas ng kaso simula noong February 18 hanggang March 18.


Saad naman ng munisipalidad ng naturang lugar, “[C]ases are expected to increase in the coming days upon completion of the ongoing contract tracing, surveillance, and antigen testing.”


Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 na 8,773. Sa kabuuan, pumalo na sa 693,048 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 99,891 ang active cases.


 
 

ni Lolet Abania | March 24, 2021




Umakyat na sa kabuuang bilang na 684,311 ang COVID-19 cases matapos na makapagtala ng 6,666 bagong kaso ngayong araw ng infections sa bansa, ayon sa Department of Health.


Mayroon namang 91,754 ang aktibong kaso o patuloy na ginagamot sa sakit.


Sa nasabing bilang ng mga aktibong kaso, 95.3 percent ang mild, 2.5 percent ang asymptomatic, 0.9 percent ang severe cases, at 0.8 percent ang nasa critical condition.


Nasa 1,072 naman ang mga nakarekober ngayong Marso 24 kaya umabot na sa kabuuang bilang na 579,518 ang mga gumaling. Mayroong 47 ang nadagdag na nasawi kaya may kabuuang bilang na 13,039 ang mga namatay dahil sa COVID-19 sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 22, 2021




Pumalo na sa 8,019 ang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas na naitala sa loob lamang ng isang araw at sa kabuuang bilang ay umabot na ito sa 671,792 cases ngayong Lunes.


Ayon sa Department of Health (DOH), 2 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa takdang oras.


Nakapagtala rin ang DOH ng 4 na bilang ng mga pumanaw at sa kabuuang bilang ay 12,972 na ang COVID-19 fatalities sa bansa.


Tumaas naman ng 103 ang bilang ng mga gumaling na sa kabuuan ay 577,850 na.


Samantala, sa mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa, tinatayang aabot sa 95.4% ang mild symptoms, 2.2% naman ang asymptomatic, 0.9% ang nasa kritikal na kondisyon, 1% ang severe symptoms, at 0.52% ang moderate ang sintomas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page