top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 10, 2021




Umabot na sa 853,209 ang COVID-19 cases sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 12,674 bagong kaso ngayong Sabado.


Tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras, ayon sa DOH.


Umakyat na rin sa 190,245 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 97.2% ang mild, 1.7% ang asymptomatic, 0.5% ang severe at 0.4% ang nasa kritikal na kondisyon.


Nakapagtala rin ang DOH ng 225 bilang ng mga nasawi at sa kabuuan ay umabot na sa 14,744 ang death toll sa bansa dahil sa COVID-19.


Nadagdagan naman ng 593 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na at sa kabuuang bilang ay umabot na ang recoveries sa 648,220.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 8, 2021




Umabot na sa 17,064 Pinoy abroad ang nagpositibo sa COVID-19 matapos makapagtala ng 483 bagong kaso ngayong araw, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Umakyat naman sa 10,077 ang bilang ng mga gumaling matapos makapagtala ng 7 bagong recoveries.


Tumaas din ang death toll matapos pumanaw ang 7 Pinoy at sa kabuuang bilang ay 1,066 na ang mga namamatay na Pilipino abroad.


Nasa 5,921 naman ang kasalukuyan pang sumasailalim sa gamutan dahil sa COVID-19.


Samantala, ang Middle East/Africa pa rin ang nangungunang bansa kung saan maraming Pinoy ang positibo sa COVID-19. Umabot na sa 9,529 ang mga Pinoy sa naturang lugar na nagpositibo sa COVID-19, 685 ang pumanaw at 4,963 naman ang gumaling na.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021




Positibo sa COVID-19 ang 12 tellers at isang cash assistant ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), ayon sa Department of Transportation (DOTr) ngayong Lunes.


Ang mga naturang tellers ay naka-assign sa Santolan, Ortigas at Cubao stations.


Ayon din sa DOTr, naka-isolate na ang mga ito matapos mapag-alamang positibo sila sa COVID-19 at hindi na rin umano pinapasok ang 114 stations personnel na nagkaroon ng close contact sa mga ito at isinailalim na rin sa quarantine.


Saad din ng pamunuan ng MRT-3, “The MRT-3 management assures the safety of our passengers as we get ready to temporarily suspend operations starting tomorrow, March 30, until April 4, 2021, to give way to the scheduled annual Holy Week maintenance shutdown.

“In addition to repairs and maintenance works at our stations and trains, the Holy Week maintenance shutdown will also be utilized to perform COVID-19 swab tests on all exposed personnel. This will ensure readiness of our personnel to resume operations and to serve the riding public as scheduled on Monday, April 5.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page