top of page
Search

ni Lolet Abania | May 19, 2021




Nakapag-monitor ang OCTA Research Group ng ‘kakaibang’ pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang urban centers o sa labas ng Metro Manila nito lamang nakaraang linggo, ayon sa inilabas na report ng mga eksperto.


“Significant increases in new cases were observed in Cagayan de Oro, Davao City and Iloilo City,” pahayag ng mga researchers ngayong Miyerkules.


Ayon sa OCTA Research, ang Iloilo ay may 58 bagong kaso na tumaas ng 99% mula noong nakaraang linggo, habang sa Cagayan de Oro at Davao ay nakapagtala ng lingguhang pagtaas na 52% at 36% batay sa pagkakasunod nito.


Naitala naman ang Zamboanga City na may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng nakaraang linggo na 158 cases, subalit ito ay umakyat lamang ng 4%.


Samantala, mula noong May 11 hanggang 17, ang average daily attack rate (ADAR) sa Metro Manila ay 9.91 per 100,000 katao, habang sa Puerto Princesa City ay may weekly positivity rate na 87% nitong lamang May 16. “Most LGUs (local government units) within the NCR bubble (National Capital Region, Bulacan, Rizal, Laguna, and Cavite) are on a downward trend in new cases,” sabi ng OCTA Research.


Ang reproduction number o ang bilang ng mga tao na kayang ma-infect ng virus sa buong bansa sa loob ng nakaraang linggo ay umabot sa 0.80, habang sa NCR naman, ang reproduction number nito ay 0.54.


Gayunman, ang kasalukuyang seven-day average ng bagong kaso sa bansa ay 5,834, kung saan 11% na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 15, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,429 bagong kaso ng COVID-19 ngayong Huwebes at sa kabuuang bilang ay umabot na sa 904,285 ang cases sa bansa.


Ayon sa DOH, pitong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa takdang oras.


Umabot na rin sa 183,527 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 96% ang mild, 2.8% ang asymptomatic, 0.5% ang severe at 0.4% ang nasa kritikal na kondisyon.


Ayon din sa datos ng DOH, umabot na sa 705,164 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 matapos makapagtala ng 856 bagong recoveries ngayong araw.


Umakyat naman sa 15,594 ang COVID-19 death toll matapos pumanaw ang 148 pasyente, ayon sa DOH.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 12, 2021




Umabot na sa 876,225 ang COVID-19 cases sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,378 bagong kaso ngayong Lunes.


Anim na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang testing results sa takdang oras, ayon sa DOH.


Nakapagtala rin ang DOH ng 204 bilang ng mga nasawi at sa kabuuan ay umabot na sa 15,149 ang death toll sa bansa dahil sa COVID-19.


Nadagdagan naman ng 267 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na at sa kabuuang bilang ay umabot na sa 703,625 ang number of recoveries sa bansa.


Ayon din sa DOH, sa ngayon ay 157,451 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 97% ang mayroong mild symptoms, 1.7% ang asymptomatic, 0.32% ang mayroong moderate symptoms, 0.6% ang may severe symptoms, at 0.5% naman ang mga nasa kritikal na kondisyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page