top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 31, 2021



Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 106 bagong kaso ng COVID-19 ngayong Sabado.


Sa kabuuang bilang ay umabot na sa 30,434 ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga pulis kung saan 1,144 ang active cases.


Umabot naman sa 29,206 ang bilang ng mga gumaling na matapos maitala ang karagdagang 49 recoveries ngayong araw.


Samantala, may dalawang nadagdag sa bilang ng mga nasawi at sa kabuuan ay pumalo na sa 84 ang death toll.


Saad naman ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, "Lubos po akong nakikiramay sa pamilya ng ating mga namatay na pulis at anuman pong tulong na aming makakaya ay amin pong ipaaabot sa inyo."

 
 

ni Lolet Abania | July 4, 2021


Umabot na sa kabuuang 28,293 ang tinamaan ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) matapos na mai-report ang 80 dagdag na bagong kaso nito.


Gayunman, umakyat na sa 26,502 ang naitalang gumaling sa kanilang hanay makaraang 82 ang nadagdag na nakarekober na mga pulis sa naturang sakit.


Nananatili naman sa 75 ang nasawi sa kapulisan dahil sa virus. Sa ngayon, mayroong 1,716 active COVID-19 cases sa organisasyon ng pulisya.


 
 

ni Lolet Abania | June 12, 2021




Itinuturong dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Northern Samar ang naganap kamakailan na konsiyerto sa simbahan sa isa sa mga munisipalidad nito, ayon sa gobernador ng probinsiya.


Sa Laging Handa briefing ngayong Sabado, ayon kay Northern Samar Governor Edwin Ongchuan, nakapagtala ang lalawigan ng pagtaas ng COVID-19 cases noong June 10 na may 123 active cases sa loob lamang ng isang araw sa munisipalidad ng Victoria, kung saan umabot sa kabuuang 218 ang mga aktibong kaso.


Agad isinailalim ang mga bayan sa granular lockdowns, kabilang ang kabisera ng lalawigan na Catarman. Ayon kay Ongchuan, batay sa isinasagawang contact tracing, lumalabas na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa isang church concert kamakailan.


“May iba pong mga kababayan natin mula sa ibang bayan, dito po nagsipunta sa Victoria at sa kasamaang palad, may naitala pong dalawang nasawi sa COVID,” ani Ongchuan.


Gayunman, inatasan na ni Ongchuan ang mga mayors ng buong lalawigan na ipatigil ang pagsasagawa ng mga mass gatherings, partikular na ang church gatherings.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page