Isang 25-day-old na sanggol ang pumanaw sa Coronavirus Disease 2019 sa Davao City.
Ayon sa Department of Health (DOH) Davao Region, ang lalaking sanggol ay mula sa Barangay 23-C. Iniimbestigahan na ng DOH Region 9 ang history ng exposure ng sanggol.
Gayunman, ang ospital kung saan ipinanganak ang bata ay mayroong mga positibong kaso ng COVID-19.
Napag-alaman na Mayo 7 nang dalhin sa Southern Philippines Medical Center ang bata dahil sa LBM at lagnat. Makalipas ang dalawang araw ay pumanaw ito.