top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 29, 2021




Nakapagtala ang Philippine Genome Center (PGC) ng karagdagang COVID-19 variants, batay sa inilabas na report ng Department of Health (DOH).


Ayon sa datos, may isang nadagdag sa Indian variant, habang 104 naman ang nadagdag sa UK variant at 137 sa South African variant. Samantala, apat naman ang nadagdag sa P.3 variant.


Sa ngayon ay pumalo na ang kabuuang bilang ng Indian variant sa 13, habang 1,071 naman ang UK variant at 1,246 sa South African variant. Ang P.3 variant nama’y umabot na sa 162.


Sabi pa ng DOH, “The UP-PGC and UP-NIH (National Institutes of Health) have sequenced a total of 7,547 COVID-19-positive samples. Of these 2,494 have variants being closely monitored by DOH, only 26 cases remaining active.”


Dagdag nila, “DOH reiterates the need for strict adherence to MPHS (Minimum Public Health Standards), and early detection and isolation of cases to minimize transmission of COVID-19 and further prevent the emergence of new variants.”


Sa ngayon ay 7,443 ang nagpositibo sa COVID-19. Tinataya namang 7,533 ang mga gumaling at 156 ang pumanaw.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 11, 2021



Pumanaw na ang convicted “Drug queen” na si Yu Yuk Lai dahil sa COVID-19 complications, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Martes.


Isinugod si Yu sa East Avenue Medical Center noong May 4 at ngayong araw, alas-9:47 nang umaga ay pumanaw siya dahil sa heart attack, ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag.


Samantala, noong 1998 inaresto si Yu kasama ng kanyang pamangkin na si William Sy matapos magbenta ng three kilograms ng shabu sa isinagawang buy-bust operation.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Quezon 3rd District Representative Aleta Suarez, ayon sa Facebook post ng Quezon Public Information Office ngayong Sabado.


Saad ni Aleta, “Nais ko pong ipabatid sa inyo na ang inyong lingkod ay sumailalim sa RT-PCR Test noong Mayo 6, 2021, alinsunod sa protocol ng Department of Health (DOH), bilang isang close contact ng aking kabiyak at gobernador ng Quezon, Gov. Danilo Suarez na naunang nagpositibo sa COVID-19.


“Lumabas po ang resulta kahapon, Mayo 7, 2021 at ako po ay nagpositibo rin sa COVID-19.”


Ayon kay Aleta, siya ay asymptomatic at naka-isolate sa kanilang tahanan.


Nanawagan din siya sa mga nakasalamuha niya at pinayuhang mag-self-quarantine.


Aniya, “Sa akin pong mga nakasalamuha at mga naging close contact nitong mga nakaraang araw, kayo po ay pinapayuhang mag-self-quarantine at mag-monitor ng inyong kalusugan.


“Kung kayo po ay nakararanas ng anumang sintomas ng COVID-19, agad itong ipagbigay-alam sa inyong mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) upang kayo ay mabigyan ng kaukulang medikal na atensiyon at sumailalim sa test kung kinakailangan.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page