ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021
Dumating na ang karagdagang 2.2 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Huwebes nang gabi.
Ilalaan umano ang kalahati ng doses ng bakuna sa National Capital Region (NCR) at ang kalahati pa ay ipamamahagi sa Davao at Cebu.
Si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) ang sumalubong sa pagdating ng naturang bakuna.
Samantala, noong Mayo 10 dumating ang unang 193,050 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine sa bansa kaya ito na ang ikalawang shipment nito sa Pilipinas.