top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 23, 2021




Patay sa COVID-19 ang dalawang pari mula sa Diocesan Clergy of Cotabato (DCC), ayon sa Archdiocese of Cotabato. Pahayag ni Fr. Charlie Celeste ng DCC, “It pained me to announce that our brother — priest, Fr. Loret Sanoy, diocesan priest of the Archdiocese of Cotabato, has expired at around 8:25 PM, Thursday, to infections by the Coronavirus strain COVID-19; death is due to a suppurative pulmonary infection.”


Ilang oras ang nakalipas matapos ianunsiyo ni Celeste ang naturang balita ay sinundan niya ito ng post na: “It is with sadness that another priest of ours, of the Archdiocese of Cotabato, Fr. Rex Bacero, has succumbed to death at around 1:00 AM, May 22, 2021. He was brought to the hospital due to symptoms of COVID-19 virus.”


Si Sanoy ay 78-anyos at si Bacero naman ay 52. Samantala, ang abo ng mga labi ng dalawang pari ay nasa Immaculate Conception Cathedral mausoleum na, ayon kay Fr. Ben Torreto ng DCC.


Si Sanoy ay naordinahan bilang pari noong April 8, 1983 at na-assign sa iba’t ibang simbahan kabilang na ang Notre Dame Archdiocesan Seminary. Si Bacero naman ay naordinahan bilang pari noong April 25, 1995 at dating superintendent ng Archdiocesan Notre Dame schools.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 13, 2021



Tinatayang aabot sa 348 vials ng Sinovac COVID-19 vaccines ang nasira matapos hindi maisaksak ang freezer na pinaglagyan nito sa Makilala, North Cotabato.


Ayon kay Makilala Municipal Health Officer Dr. Gina Sorilla, ang mga naturang bakuna ay gagamitin dapat sa mga senior citizens.


Saad naman ni Makilala Inter Agency Task Force (IATF) Spokesperson Lito Cañedo, inilagay ang mga bakuna sa freezer ng municipal health office kung saan nag-brownout noong Biyernes, alas-12:30 PM.


Aniya, “Because of the brownout, the health workers and the police in charge of securing the vaccines decided to transfer the vials to the freezer of the Makilala police office.”


Habang walang kuryente, gumamit umano ng generator para sa mga bakuna.


Ayon kay Cañedo, bumalik ang kuryente bandang alas-2 nang hapon noong Biyernes ngunit hindi nailipat sa regular power source ang freezer nang mag-shutdown ang generator.


Umuwi na umano ang mga municipal office workers kabilang ang mga health personnel bandang alas-3 nang hapon bilang pagsunod sa health protocols.


Saad pa ni Cañedo, “Nobody noticed it on Friday that the freezer was not switched backed to the regular power supply. Saturday and Sunday were no work days; it was only on Monday morning (May 10) that it was discovered by the personnel in charge from the town health office."


Kinumpirma naman ni Philbert Malaluan, Cotabato provincial board member at spokesperson ng provincial IATF ngayong Huwebes na nasira na ang mga bakuna.


Aniya sa isang radio interview, “The advisory said the vaccines have been damaged.”


 
 

ni Lolet Abania | January 11, 2021



Patay ang alkalde ng Libungan, Cotabato at ang kanyang driver matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Barangay Cabayuran nitong Lunes nang umaga. Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan sina Mayor Christopher "Amping" Cuan, 46, at Edwin Navarro Ihao, 36, driver ng alkalde.


Galing ang dalawa sa Davao City kung saan binisita ng alkalde ang kanyang ipinagagawang cockpit arena nang pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan na sakay ng asul na SUV gamit ang matataas na kalibre ng baril, ayon sa Cotabato Police.


“Initial reports we received from the local police [said] they were tailed by the assailants then suddenly shot several times using different unidentified long firearms,” sabi ni Police Lieutenant April Rose Soria, spokesperson ng Cotabato Provincial Police Office.


Si Cuan, na sinasabing nasa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay nakaligtas sa tangkang assassination sa kanya noong January 8, 2019 sa bagong gawang munisipyo ng lugar.


Inatasan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato ang mga awtoridad para imbestigahan ang pagkamatay ng alkalde upang agarang maaresto ang mga salarin.


“I condemn to the strongest term the killing of Mayor Cuan. His demise has orphaned not only his family but his constituents who looked up to him for his leadership,” ani Cotabato Vice-Governor Emmylou Taliño-Mendoza.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page