top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 2, 2021



Patay ang isang 3-month old na sanggol sa Cotabato City matapos umanong hampasin ng kanyang ama ng feeding bottle.


Batay sa report, sinabi ng 20-anyos na suspek na siya ay pinilit na gisingin madaling araw noong Huwebes upang magtimpla ng gatas ng anak.


Nairita umano siya sa pag-iyak ng bata kaya hinampas niya ito ng bote ng gatas.


Matapos nito ay namaga at nagka-pasa ang mukha ng sanggol hanggang sa tuluyang pumanaw.


Labis daw ang pagsisisi ng suspek sa kanyang nagawa.


Iginiit nito na hindi siya lasing o nakadroga nang mangyari ang insidente ngunit inamin nitong may mga pagkakataong inaabuso niya ang kanyang asawa.


Nakatakdang isailalim ng pulisya ang suspek sa drug test.


Kasalukuyang itong nakakulong at haharapin ang kasong parricide.

 
 

ni Lolet Abania | June 12, 2021



Ilang lugar sa Kidapawan City, Cotabato ang nakaranas ng pagbaha matapos ang malalakas na buhos ng ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).


Binaha ang mga kalsada at mga tirahan sa Barangay Ginatilan makaraan ang pag-apaw ng Sarayan River ngayong Sabado.


Apektado rin ang footbridge sa bahagi ng pasukan sa naturang barangay na sa ngayon ay hindi na madaanan dahil sa pagbaha.


Gayunman, wala namang nai-report na nasaktan dahil sa insidente.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 3, 2021



Tatlo ang patay at apat ang sugatan matapos silaban ng isang pasahero ang bus habang binabaybay ang Mlang sa Cotabato ngayong Huwebes, bandang alas-4 nang hapon.


Ayon kay Mlang Disaster Risk Reduction and Management Officer Bernardo Tayong, hindi pa nakikilala ang tatlong pasaherong nasawi sa insidente.


Aniya pa sa isang radio interview, “They were trapped.”


Ayon sa awtoridad, pagmamay-ari ng Yellow Bus Lines (YBL) ang naturang bus at habang nasa biyahe patungong Tacurong City, Sultan Kudarat, nagbuhos umano ng gasolina ang isang pasahero sa sahig at sinilaban ito gamit ang disposable lighter at kaagad tumalon sa pinto.


Nagtamo naman ng serious burns ang apat pang pasahero na isinugod sa ospital ng mga rumesponde.


Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.


Hindi pa rin malinaw sa ngayon kung nahuli na ang suspek.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page