top of page
Search

ni Lolet Abania | May 8, 2022



Hinamon ng Department of Education (DepEd) ngayong Linggo si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao na pangalanan nito ang mga opisyal sa kanilang hanay na umano’y sangkot sa korupsiyon.


“As a public servant, the good senator has every right, legally and morally, to assail and put to question whatever wrongdoing, any person or instrumentality of the government for that matter in his quest to eradicate graft and corruption in the bureaucracy,” ayon sa DepEd sa isang statement.


“Therefore, it is a moral duty for the good senator, being a candidate for the highest office in the land, to name names, or identify and not rely on generalities to put down the whole institution of the Department of Education,” dagdag na pahayag ng ahensiya.


Sa isang interview ng KBP-COMELEC PiliPinas Forum 2022 na ipinalabas noong Mayo 6, binanggit ni Pacquiao na mayroon aniyang, irregularity na sangkot ang isang DepEd official, subalit tumanggi itong pangalanan.


“Diyan sa DepEd, may kakilala ako diyan. Hindi pumapayag na bumababa ng 40% ang mapunta sa kanya,” sabi ni Pacquiao.


"Hindi na ako magsabi... pero maniwala kayo sa akin na ipakulong ko lahat ng mga kawatan diyan. Wala akong pipiliin kahit ano’ng posisyon mo,” saad ng retiradong boxing champ.


Gayunman, iginiit ng DepEd na ang pag-atake sa reputasyon ng buong institusyon ay lubhang mapanganib o anila, “very dangerous” at maaaring makaapekto sa impresyon ng publiko sa integridad ng nalalapit na electoral results.


“While there might still be bad eggs within the organization, the leadership of the Department has seen fit to charge these known implicated and remove those found guilty,” ayon sa ahensiya.


“To allege wrongdoing, unsupported by specific facts or without naming names, is tantamount to false accusation,” giit pa ng DepEd.


Samantala ayon sa ahensiya, mahigit sa 647,812 teaching at non-teaching DepEd personnel ang magseserbisyo para Halalan 2022 sa Lunes, Mayo 9.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2021



Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao at hinamon na ituro nito ang mga opisina at empleyado ng gobyerno na sangkot sa corrupt practices matapos umanong sabihin ng Pambansang Kamao na “three times” na mas korup ang kasalukuyang administrasyon.


Nabanggit ng pangulo ang pangalan ng senador nang ianunsiyo niya ang usaping pagtakbo niya sa pagka-bise presidente.


Posible pa rin umano na tumakbo siya bilang bise dahil “There are things I’d like to continue and that would be dependent on the president that I will support.”


Saad pa ng pangulo, “Kasi kung mag-vice-president ako, ang kalaban ko, kontra-partido… Gaya ni Pacquiao. Salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt.


“So I am challenging him. Ituro mo ang opisina na corrupt, at ako na ang bahala. Within one week, may gawin ako.


“Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming corrupt. Ilista mo 'yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na 'yan noon, at ibigay mo sa akin."


Dagdag pa ni P-Duterte, "‘Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that is a corruption, let me know. Give me the office... Ganoon ang dapat na ginawa mo. Wala ka namang sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin, tapos ngayon, sabihin mo, corrupt.”


Aniya, marami nga ang korup ngunit inalis na niya sa posisyon.


Saad pa ng pangulo, “Meron, marami nga, pero napaalis na. Naunahan na kita.”


Aminado naman si P-Duterte na kahit sino pa ang maging pangulo ay hindi mawawala ang korupsiyon.


Paliwanag pa ni P-Duterte, "Every administration will have a share of the problem of corruption. Do not ever think that if you will win as president, na wala nang corruption dito sa Pilipinas.”


Aniya, maghihintay siya sa listahan ni Pacquiao ng mga korup na opisina at empleyado ng pamahalaan.


Saad pa ng pangulo, "So maghintay ako sa listahan mo at ang mga tao. Matagal naman tayong magkaibigan. Hanggang kahapon, noong isang araw ka lang nagsabi ng corruption.


“It's easy, really, to say. Hindi ko sinasabing walang corruption. Kaya nga ituro mo, kasi 'yung lahat ng itinuro ng iba, pinaalis ko na sa gobyerno.


“I am challenging you or else, talagang sabi nga nila, totoo, namumulitika ka lang.”


Ani P-Duterte, kapag hindi ginawa ni Pacquiao na i-expose ang mga korup sa pamahalaan bilang patunay sa umanoy sinabi nitong mas korup ang kanyang administrasyon, sasabihin niya sa mga tao na ‘wag iboto ang senador sa eleksiyon.


Aniya, "If you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it because if not, I will just tell the people, ‘Do not vote for Pacquiao because he is a liar.’"


 
 
RECOMMENDED
bottom of page